Sa pagdami ng tao sa mundo ay kasabay nito ang pagdami rin ng mga bahay na tinitirahan ng bawat pamilya.

May mga nakikita nga tayo na mga bahay na halos dikit-dikit at ang iba naman na walang sariling bahay ay nangungupahan.

Ngunit bago pa kaya maging bahay ang inyong tinitirahan alamo ba kung anong lugar dati ang kinatatayuan ng inyong bahay ngayon.

Dahil ang iba sa atin ay may sarili ngang bahay ngunit nabili lang sa iba at hindi lubusang alam kung ano nga ba ang kwento sa tahanang ito.

Madalas nga ay magugulat ka nalang kapag may matutuklasan kang bagay o kung anoman, sa tuwing ipapaayos mo ipapa renovate mo ang iyong bahay.

Katulad na lang ng karanasan ni Ericka Karner mula sa California, United States. Dahil naka-nakadiskubre sila ng bagay na hindi kapani-paniwala sa kanilang bahay na pinare-renovate.

Ayon sa nilabas na artikulo ng rachfeed. Nais ni Karner na ipaayos ang kanilang bahay sa San Francisco, California. Kaya naman kumuha siya ng ilang mga tao para masimulan ayusin ang kanyang bahay.

Subalit sa kalagitnaan ng trabaho ay biglang napatigil ang mga construction workers ng may madiskubre sila sa bahay ni Karner.

Habang naghuhukay daw ang mga ito ng sahig ay may nakita silang maliit na kabaong.

Sa loob daw na sinasabing kabaong ay may laman ito na katawan ng sanggol. Nagulat daw ng makita ito ni Karner at maging ang mga construction worker na naghukay nito ay hindi makapaniwala sa kanilang nadiskubre.

Ayon naman kay Ericka simula daw ng mapatira siya sa bayay na iyon ay hindi daw niya alam na may nakalibing na bata.

Subalit ano nga kaya ang tunay na estorya nito, tanging ang kwento ng nakaraan lamang ang makakasagot ng malaking katanungan tungkol sa misteryosong sanggol na ito.

Ayon naman sa ulat ng NTD Television, Nanatili daw misteryoso ang pagkaka-kilanlan ng Bata. Kaya naman pinangalanan itong “Miranda”.

Samantala matapos ang ilang taong pagsusuri sa mga lumang records mga taong 1800s sa wakas ay nagkaroon na daw ng malinaw na sagot sa isang misteryosong pangyayari na ito.

Mula sa inilabas na ulat ng Isang Non profit organization na tinatawag na Garden of Innocence kinilala ang katawan ng bata na kay Edith Howard Cook, na may edad na 2 taong gulang at 10 bywan palamang noong ito ay pumanaw.

Ayon naman sa medical records si Edith ay unang anak ng mayamang mag-asawa na nasawi dahil sa zévére malnøurishmént noong Oktubre 13,1876.

Sa pamamagitan daw ng isinagawang DNA Test kaya nalaman ang pagkakakilanlan ng katawan ni Edith. Pero ang malaking katanungan paano nga ba daw napunta ito sa bahay ni Ericka Kerner?

Ayon naman sa pag-iimbestiga ng awtoridad, Noong nakalipas daw na panahon ang kinatitirikan ng bahay ni Kerner ay dati palang Odd Fellows Cemetery.

Ngunit taong 1930 ang mga katawan ng nakalibing dito ay inilipat pero sa malamang daw ay hindi nakita ang kabaong ni Edith kaya daw ito ay hindi naisama sa paglipat.

Kaya naman ito pala ang dahilan kung bakit mayroong kabaong at katawan ng bata sa tinitirikang bahay ni Kerner. Kaya kayo alam niyo na ba ang kwento tungkol sa mga bahay niyo?

Alam niyo ba ang tunay na kwento sa tinitirikan nito ngayon? Inyong alamin at Baka may madiskubre kayo na misteryo o kaya naman ay kayamanan!