Tunay nga na sa mga nagdaang mga buwan ay tila sapilitang nagbago ang pamamalakad sa araw- araw nating buhay.

Ang dating masiglang sambayanan ngayon ay nasa loob ng bahay na lamang. Limitado ang pakikisalamuha sa ating mga mahal sa buhay maging ang paggagala kasama ang mga kabigan.

Mahirap para sa lahat na tanggapin ang katotohanan na ang kahapon ay hindi na maaaring maging ngayon.

Samantala, ang ating mga naranasan ay tila isang panaginip lang sa binatilyong si Joseph Flavill ng United Kingdom na 10 buwang nakåråtay sa higaan ng 0spital dahil siya ay nacømatøse dala ng isang aksidénteng naganap sa Burton.

Ayon sa ginawang fundraising page para sa kaniya na Joseph’s Journey , siya ay kasalukuyang nasa recovéry stage pagkatapos ng 10 buwang walang malay na nagsimula bago pa maganap ang løckdøwn.

Nakakapanibago para sa kaniya na sa unang mulat ng kaniyang mata ay hindi niya nasilayan ang kaniyang pamilya at nakakapag- usap lamang sa pamamagitan ng video chat.

Higit pa doon, hindi niya din alam na siya ay dalawang beses dinapuan ng C0’VlD-19 habang siya ay hindi pa nagigising.

Ayon sa tiyahin ni Joseph, kung siya daw ang nasa kalagayan ng binatilyo ay malamang hindi din siya maniwala sa mga pagbabago noong nakaraang taon.

Hindi niya din daw alam kung paano maiintindihan at makakapag adjust si Joseph ang hirap na dinaranas ng mga tao noong mga panahong wala siyang malay.

Source: The Guardian