Usap-usapan ngayon sa social media ang isang pangyayari na ibinahagi ng isang netizen, ito ay ang ginagawang panloloko ng isang scammer sa mga food delivery riders.

Ang netizen na nagbahagi ng kwento sa social media ay nakilala sa pangalang Ramjun S. Enecito, sa isang Facebook Group na “Delivery Riders Community” niya ibinahagi ang kanyang saloobin sa ginawang panloloko ng isang scammer sa mga Delivery Rider.

Ayon sa kanyang inilagay na caption sa kanyang post na may kasamang video, iba-iba dsw ang ginagamit umanong pangalan ng scammer sa pag-order ng mga pagkain.

Pagkatapos daw maideliver ang mga pagkain ay agad nitong ire-report na hindi raw nakarating sa kanya ang pina-deliver.

Dahil dito mabibigyan daw ito ng sorry voucher o ire-refund ang kanyang pera.

Narito naman ang ilang bahagi ng naturang post ni Ramjun:

“Hindi mo ba alam mga rider ang nagiging kawawa sa ginagawa mong patay gutom ka, ngayon sisikat ka dahil sa kalokohan mo kala mo araw2 pasko ha.

Huli ka ngayon yari ka sa mga nabiktoma mo hahabulin ka ng mga yon dumating na yung karma mo lumaban ka ng patas.”

Sa mapapanood na video maririnig na tila nagmamaang-maangan at tumatanggi ang naturang lalaki at sinasabing baka wrong delivery lang ang idini-deliver ng mga riders.

Pahayag naman ng mga delivery rider, nagtatrabaho daw sila ng maayos kaya sana daw ay mag-order din sana ng maayos ang customer.

Sa bawat scam daw na kanilang nararanasan ay sila ang nahihirapan at napapahamak, kung minsan pa daw ay may pagkakataon na sila ay nasususpinde.

At ang huli dito ay nababawasan pa ang kanilang maliit na kita sa tuwing may mga taong katulad ng lalaki na ito na walang ginawa kundi manloko ng mga delivery rider.

Sa ngayon ay umabot na ng halis 5,000 reacts, 800 comments at 6,000 shares ang naturang video. Para sa mga naghahanap naman ng naturang video narito ang kabuuan sa baba.