Tunay nga na darating ang panahon na kung saan makikilala mo ang taong nakalaan talaga para sa iyo.

Mayroong mga magkababata na nagkakatuluyan, kaibigan na napupunta sa isang seryosong relasyon at maaari din na ang kakikilala mo pa lang ay ang iyo palang itinadhanang katuwang.

Ating tunghayan ang nakakabilib na istorya ng pag- ibig ng isang Pinoy Bartender na si Jim Bryan Calonia at Finnish Manager na si Jasmina Cirstea.

Inamin ng tubong Cabadbaran City, Agusan del Norte na si Jim ay isang playboy at mabisyo noon. Nagdesisyon siyang sumampa ng barko upang makapag- ipon ng pera.

Sa kaniyang pagtatrabaho, hindi niya naiwasan ang pagkakaroon ng mga karelasyon na foreigner hanggang sa nakatapat siya ng isang babaeng nakabihag ng kaniyang puso ngunit nasaktan din siya sa huli.

Simula noon ay naging sarado na ang puso ni Jim sa iba hanggan sa lumipas ang apat na taon nang muling tumibok ang kaniyang puso na walang iba kundi si Jasmina

Siya ay taga Finland. Mayroong negosyong circus ang kanyang pamilya na siya mismo ang manager, taga gawa ng poster at tagatayo ng tents.

Nakaranas si Jasmina ng pambubully at insekuridad sa sarili kaya nagdesisyon siyang magbakasyon at magtravel.

At sa kaniyang pagsampa sa isang European Cruise, doon niya nakilala si Jim. Makalipas ang dalawang buwang pagiging chatmates ay naging opisyal na silang magkarelasyon sa mismong araw ng kaarawan ni Jasmina.

Si Jasmina daw ang nakapagpabagong tuluyan kay Jim na kung saan pinagbawalan itong manîgarîlyo dahil masama daw ito sa kalüsügan niya.

Mas lalong nabighani si Jim pagkat ni isa sa kaniyang mga ex ay walang nagbawal at nagsabi sa kaniya na masama ito.

Gayun din ang naramdaman ni Jasmina pagkat pakiramdam niya ay kumpleto na ang kaniyang buhay simula nang makilala niya si Jim.