Dahil sa hirap ng buhay marami ang tao na kumakapit sa patalim at nakakagawa ng masama para lang kumita o magkaron ng pera pambili ng pagkain.

Lalo na siguro ngayon na napakahirap ng ating sitwasyon dulot ng pandemiya. Naging talamak nga ang ibat-ibang kaso ng mga nakåwan hindi lang sa Bansa natin maging sa ibang bansa.

Dahil sa hirap ng buhay ito daw ang nagiging paraan nila para may maitustos sa kanilang pangangailangan.

Subalit, ito ay mali hindi ito patas na gawain dahil ang iba ay nagpapakahirap at nagbabanat ng buto para sa kanilang pamilya para kumita ng pera sa malinis na paraan.

Samantala, kamakailan ay may isang lalaking magnanakåw na naging usap-usapan social media dahil ang kanyang paraan ng pagnanåkaw ay tila hindi gawain ng iban akyat bahay.

Ang pangyayaring ito ay naganap sa Thailand, kung saan isang lalaking 22 taong gulang ang nadatnan ng may-ari ng bahay sa loob ng kwarto ng kaniyang anak.

Hindi naman akalain ng may-ari ng bahay na isang pulis na mayroong magnanakåw na makikitulog sa kwarto ng kanyang anak.

Nagtaka daw ang Ama na may-ari ng bahay kung bakit bukas ang aircon at sarado ang pinto ng kwarto ng kanyang anak dahil hindi naman daw umuuwi ito.

Kaya naman kanya itong sinilip at pinuntahan sa bintana na lamang dumaan ang may-ari ng bahay.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-dos ng madaling araw nang pasukin ng magnanakåw ang naturang bahay. Kasag-sagan daw iyon ng tulog ng mga tao sa bahay kung kaya naman walang nakaramdam o nakarinig sa pananalakay ng akyat-bahay.

At nang magising daw ang lalaking akyat bahay at nagsisigaw daw ang may-ari para maalarma ang mga tao na naroroon.

Nang dumating ang mga otoridad ay agad nilang hinuli ang naturang akyat bahay na ngayon ay nahaharap sa kasong “burglary” at “tressapssing”.

Dahil sa pangyayaring ito maraming netizen ang nagbigay ng kanilang reaksyon at komento, May ilang netizen nga ang tawang-tawa dahil nagawa pa daw matulog at magbukas ng aircon ng naturang magnanakåw.