Isang Shelter ang nagbahagi sa Facebook ng mga larawan ng isang Stray pooch dahil sa pag-asang may taong nais kumupkop nito.

Ang naturang Aso ay may asul na mata ang aso ay nakakaranas ngayon ng mange at iniwan pa itong madumi ng kung sino man.

Samantala, matapos ang ilang araw na mag viral ang nasabing mga larawan ng aso, nakatanggap ng tawag ang naturang shelter mula sa isang ginang at sinasabing baka daw iyon ang kanyang nawawalang aso na ninakaw sa kanila dalawang taon na ang nakakaraan.

Agad naman sinabihan ang Ginang na magtungo ito sa shelter upang makita ang Aso. Makikita naman sa video ang naging reaksyon ng aso ng makita niya ang Ginang.

Sa una ay tila nagdadalawang isip pa ito lumapit sa ginang. Ngunit nakilala na niya ang ginang matapos niya itong amuyin at hawakan ang kamay.

Kinilala naman ng ginang na ito nga ang kanyang asong nawawala na ninakaw sa kanya ilang taon na ang nakakaraan ang aso ay may pangalang “Lord.”

Patunay lamang ito na tadhana talaga ang siyang maglalapit sa mga nilalang na nakatakdang magsama.

Katulad na lang ng kwento ng Ginang na ito at ng kanyang Alaga dahil kahit ilang taon pa ang lumipas na sila ay hindi nagkasama gumawa parin ang tadhana na sila ay muling pagtagpuin ulit.

Katulad nating mga tao ang mga alaga nating hayop ay may nararamdaman din at may emosyon kaparehas natin.