Mayroong tatlong magkakaibigan ang nakakaranas ng hirap sa buhay katulad ng nararanasan ng marami sa atin.

Ang tatlo ay nakilala na sina Lara Rusco, Cally Guasti at Reese Werkhoven ang tatlo ay matagal ng magkakaibigan bukod sa palagi silang magkakasama ay may tiwala na rin sila sa bawat isa.

Magkasama din silang tatlo sa iisang bahay, at dahil gusto nila maging komportable kapag sila ay nasa bahay naisipan nilang bumili ng sofa.

Subalit dahil kapos sila sa pera ang tanging hanap lamang nila ay yung kaya nilang bayaran. Dahil wala silang kakayahan bumili ng bago sila ay nagtungo sa mga segunda mano shop at nagbabakasakaling makahanap ng sofa na mura at mapapakinabangan pa.

Mayroon silang napili hindi man bago at may kaliitan mapapakinabangan naman at nagkakahalaga lang ng $20 kaya naman ito ang kanilang binili at inuwi sa kanilang bahay.

Nang makauwi ang magkakaibigan agad nilang ginamit ang nabiling Sofa at habang sila ay nakaupo tila mayroon silang naramdaman sa ibabaw ng Sofa.

Ito ay makapal at patag na parang hugis kahon sa loob ng naturang sofa. Dahil dito naisipan nilang buksan ang naturang sofa at tanggalin ang upuan. Doon nila nakita ang maraming sobre.

Kanilang binuksan isa-isa at nang kanilang mabuksan, hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita! Bago sila sana ay magpapahinga kanila munang binuksan ang isang sobre at bumugad sa kanila ang maraming pera na nagkakahalagahan ng $41,000 cash at ang natitirang sobre ay hindi muna nila binuksan.

Sa loob ng sobre mayroong isang deposit slip ng bangko ang naturang sobre ay naglalaman din ng isang papel na puno ng personal na impormasyon kabilang dito ang isang buong pangalan na tingin nila ay ang nag mamay-ari ng naturang mga sobre.

Makalipas lamang ang ilang oras ay napagdesisyunan nilang magkakaibigan na hanapin ang may-ari at ibalik ang naturang pera.

Nakipagtulungan naman ang tatlo sa lokal na awtoridad upang mahanap ang may-ari. Hindi naman nag tagal ay natagpuan nila ang isang matandang babae na matagal na palang hinahanap ang naturang mga pera.

Nang tanungin ang matandang babae kung paano napapunta ang mga sobre sa sofa, sinabi nito na noon daw ay walang tiwala ang mga tao na maglagay ng pera sa bangko kaya naman inilagay niya ito sa lugar kung saan hindi mananakaw.

Ngunit nakalimutan daw niya itong kunin. At napag-alaman na ito pala ay ang pera na nakuha nong nagretiro ang kanyang asawa.

Samantala, nakatanggap naman ang tatlo ang magkakaibigan ng tig $1,000 ng gantimpala mula sa matandang babae sa kanilang pagiging tapat sa pagsauli ng pera.