Usap-usapan ngayon sa social media na Facebook ang isang batang ipinanganak na mayroon bughaw na mga mata.

Ang batang tinutukoy ay nakilala na si Chenie A. Tuvilla anak ng mag-asawang Ronnie Tuvilla at Cherie Yam Cole Arabao.

Ang naturang kwento ng batang may matang mala banyaga ay binigyan pansin ng programa na GMA7 na Kapuso Mo, Jessica Soho matapos itong makatanggap na magandang rebyu sa publiko.

Ayon sa pahayag ng Best of Life, Mayroon lamang na labim pitong porsyento (17%) ng buong populasyon ng mundo ang mayroon ganitong katangian.

Samantala ang mayroon namang mga may matang kayumanggi ang kulay ay tinatayang limampung porsyento (50%).

Sinabi rin na mayroong mga tao na ipinapanganak na may bughaw na mata ngunit nagiging kayumanggi din kalaunan kapag ito ay lumaki na.

Dagdag pa dito ang pagkakaroon daw ng ganitong kulay ng mata (bughaw) ay nagmumula daw sa isang gene na tinatawag na OCA2.

May paniniwala naman ang ilang eksperto na tingin nila ay mayroon isang tao ang kadugo ng naturang bata na nagkaroon din ng ganitong katangian at naipasa lang sa bata.

Sa larangan ng Genetics, Ang pagkakaroon daw ng bughaw na mata ay may dalawang paraan. Ang Una ay kung ang isang anak ay may dalawang magulang na mayroong bughaw na mga mata rin at ang Pangalawa naman ay kung pareho daw na ang iyong mga magulang ay may recessive na “blue eye allele”.

Kung ganito daw ay siguradong isa sa apat mong anak ang magkakaroon ng bughaw na mga mata.

Samantala, Ang pagkakaroon naman ng ganitong katangian ay maaring mauwi sa isang karamdaman dahil ayon sa din sa pag-aaral ay maari ring makuha ang katangin na ito bilang kapansanan tulad ng Waardenburg syndrome o ito yung nagdudulot ng pagkabingi at pag-iba ng kulay ng buhok, balat at ng mga mata.

Sinasabi rin na sa bansang Finland at Estonia ang may pinamaraming mayroong bughaw na mga mata.

Dahil sa lumabas na larawan ng bata sa social media ay umani naman ito ng ibat-ibang komento mula sa mga netizen.

May nagkomentong netizen na sinasabing hindi na raw kailangan ng bata na magsoot ng contact lens dahil sa ganta ng mata nito at siguro daw ay pinaglihi ang bata sa isang manika.

Halos lahat naman ng netizen ay namangha sa ganda ng mata ng bata kaya naman ito ay umani ng libo-libong komento at reaksyon mula sa publiko.

Dahil sa pangyayaring ito ay nagpahayag naman ng pasasalamat ng Ina ng bata na si Cherie Arabao sa kanyang Facebook Account dahil sa mga papuri na natanggap ng kanyang Anak.