Mayroong mga taong nagtatrabaho ng husto at nagsusumikap hindi para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang pamilya.

Maraming mga sakripisyo ang kanilang kinahaharap sa araw-araw katulad ng pagtitipid sa sarili para lang malaki ang maiuwi o maipadalang pera sa pamilya.

Katulad na lamang ng kwento ng isang Security Guard na mula sa Malaysia na pumukaw sa damdamin ng maraming netizen dahil sa kumalat na kanyang larawan.

Ang naturang security guard ay nakuhanan ng larawan habang kumakain ng kanyang baon.

Ang nakatawag-pansin sa mga netizen ay ang laman ng baunan nito na imbes na totoong ulam ay sibuyas at bawang ang tanging ipinapares nito sa kanin na may sabaw.

Ayon naman kay Apit Labid na siyang nagpost ng mga larawan ang sinusuweldo daw ng security guard ay katulad lang din ng ibang maggagawa subalit dahil sa pagmamahal nito sa kanyang pamilya ay mas pinipili nitong magtipid para mas malaki ang maipadala nitong pera sa kanyang pamilya.

Sa katunayan nga daw ay ang kabuuang ginagastos lamang ng security guard ay hindi hihigit sa 100 malaysian ringgit o sa pera natin ay Php1,700 sa loob ng isang buwan at ang natitira niyang sahod ay kanyang ipinapadala sa pamilya.

Dagdag naman ni Apit, dahil naawa daw siya dito at nakikita na nagsusumikap sa tuwing may extra daw siyang budget ay kanya itong binibilihan ng pagkain.

“Hopefully everything will be alright for him,” -dagdag ni Apit.

Ang naturang post na ito ni Apit ay umani ng maraming shares at comments sa social media at maraming Pinoy Netizens naman ang nakarelate sa sitwasyon ng security guard at nainspire sa kwento nito kaya naman ang iba ay nagbigay ng kanilang simpatya.

“Sige lang, kuya. Makararaos ka rin niyan. Ganyan kami dati. Ni ultimo pisong bawang uutangin pa namin. Hindi ka nag-iisa, kuya.”
-Komento ni Raymond Philip

“Saludo ako sayo Kuya Guard, Tiwala ka lang lahat ng problema at paghihirap mo ay mapapaltan ng ginhawa basta magtiwala ka lang! Mabuhay ka Kuya Guard” -Komento ni Robin Bagtching

“Godbless you Manong Guard, relate na relate akonsainyo ganyan din ang mister kong guard minsan Baon niya lang kanin. Hayaan mo Kuya may awa ang Diyos patuloy lang tayo sa buhay” – Komento ni Chona Elorza.

May mga ilan din nagkomentong mga Netizen na dapat daw ay pangalagaan din ni Kuyang Security Guard ang kanyang kalusugan para daw magkaroon siya ng lakas sa kanyang trabaho.

Samantala, ayon naman sa aming nakalap na impormasyon ang kinikita ng isang security guard sa Malaysia ay umaabot ng 1,500 Malaysian ringgit kada buwan o may katumbas na Php 15,400 sa pera natin.

Ang ibig sabihin lang nito at hindi maliit ang kanyan suweldo at talagang nagtitipid lamang ito para sa kanyang pamilya. Saludo kami sayo Manong Guard! MABUHAY KA!

Source: Facebook