Hindi biro ang trabaho ng isang service crew, isa ito sa trabaho na napakahirap dahil hindi lang basta paghahanda at paghahatid ng pagkain ang kailangan mo gawin at dahil maging ang kanilang bayad ay aasikasuhin mo din at ang isa pa ay ang pakitunguhan ang mga customer sa lahat ng oras.

Samantala, kamakailan ay may isang netizen na nagbahagi ng mga larawan na di umano ay isang insidente sa isang sikat na fastfood kung saan isang service crew at isang customer ang kasama sa pangyayari.

Ayon kay Zari Frillez na nagbahagi ng mga larawan kung saan makikita ang isang babae na Jollibee Crew na nagpapahid ng kanyang mata na tila umiiyak, ito ay matapos daw sigaw-sigawan ng isang galit na customer sa drive thru ng naturang fastfood.

Sa caption naman ni Zari sa kanyang post:

“Shoutout sa customer sa drive thru ng Jollibee Kumintang (Batangas) na may plate number na 744 di lang namin nakuha yung letter sa plate number.

“Pero may CCTV naman yung drive thru ng Jollibee, na sinigaw-sigawan si ateng naka-duty sa drive-thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samin.

Di niyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong ‘to sa ganitong oras at panahon para makapagtrabaho ng maayos tas babåstüsin at mümürahin niyo lang.

“Sana malaman yung buong plate number niyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa niyo. May kasama ka pang babae diyan sa sasakyan mo di ka man lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate.”

Pinapaabot ni Zari sa galit na customer na hindi biro ang trabaho ng mga service crew, kaya naman para sa atin lahat sana’y mag karoon tayo ng mahabang pasensya.

Dahil walang maaayos na usapan kung puro galit at init ng ulo ang ating uunahin.