Kakaibang mga Pangalan ng 3 Magkakapatid na tinaguriang “Alphabet Siblings”, Hinango sa pagkakasunod sunod ng letra sa “Alphabet”

Ang pangalan ay isang pagkakakilanlan ng isang tao ngunit hindi tayo ang makapag dedesisyon nito kundi ang ating mga magulang.

Nasa tyan pa lamang tayo ng ating ina, talaga namang pinag- iisipan na nila. Maaring hango sa mga di malilimutang lugar, idolo, karanasan o di kaya man ay hango sa iba’t ibang salita na mayroong magandang ibig sabihin.

Mayroong mga pangalang karaniwan at ang iba naman ay mahirap bigkasin at baybayin. Kagaya na lamang ng tinaguriang “Alphabet Siblings” na ito na kung saan hinango ang mga pangalan sa pagkakasunod sunod ng mga letra sa Alphabet.

Sila ay sina Abcde, Xyza at Ghij. Ayon sa kanilang ama na si Florian Reynado, “In order for them to be reminded, yung pangalan nila basics, which is ABC. Kay Abcde – A, B, C, D, E.

Sumunod naman si Xyza. Since babae siya, so X, Y, Z back to A ulit. Pangatlo, yun nga si Ghij. Lalaki sana yung pang-apat. S, T, U, V; so Stuv dapat. Kaya lang hindi ako pinalad ng lalaki na [anak].”

Hindi naman ito naging problema sa kaniyang asawa na si Rita at sa kanilang mga anak dahil hindi naman din daw sila nakaranas ng pangungutya mula sa iba bagkus natutuwa pagkat ito ay kakaiba.

Sa katunayan madalas daw ay nagkakamali ang iba sa pagbigkas ng kanilang mga pangalan.

Ang iba naman daw ay nagtatanong kung nagbibiro lamang sila. Madaas din tanungin kung nagkamali lang ba ng encode sa attendance sa klase.

Dagdag pa ng kanilang ama, “We never had a problem, inside and outside of our home pagdating sa mga pangalan. Contrary to a few na nasasabing comments… Sabi lang naman e, ‘Sir ang gaganda ng pangalan ng mga anak ninyo – unique.’”