Maraming mga bagay na maaaring mag-crash sa bubong ng ating mga bahay sa araw-araw ngunit tiyak naman na ang meteorite ay hindi isa sa mga ito.

Sa gayon, maaaring iyon ay mga pantasiya sa pelikula o palabas sa TV ngunit walang nag aakala na maaari itong mangyari sa totoong buhay.

Hanggang sa nangyari na nga sa lalaking ito sa Indonesia na nagtatrabaho bilang manggagawa ng kaba0ng.

Ang 33-taong-gulang na lalaki na nagngangalang Josua Hutagalung ay payapang nag gagawa ng isang kabaong malapit lamang sa kanyang bahay nang magulantang siya sa malakas na tunog.

Ito ay isang meteorite na bumagsak sa beranda sa gilid ng kanyang sala sa Kolang, Hilagang Sumatra.

Ang meteorite na may bigat na 2.1 kilo ay nag-iwan ng malaking butas sa bubong ng bahay ni Hutagalung at dahil sa epekto ng pagbagsak, ang bato ay bumaon ng 15cm sa ilalim ng lupa malapit sa bahay.

Nang mahukay niya ang bato, sinabi niya na mainit pa rin ito at bahagyang natapiyas nang sinubukan niyang hawakan ito.

Hindi alam ni Hutagalung na isang biyaya ang bumagsak sa kaniyang bahay. Ang Meteorites ay pinipresyuhan bawat gramo ng $ 0.50 hanggang $ 5.00 bawat gramo depende pa sa mamimili.

At ang mga may rare extra-terrestrial na metal ay nabebenta ng hanggang $1,000 bawat gramo.

Ayon sa Daily Mail, ang meteor na naka-barge sa bahay ni Hutagalung ay tinatayang nasa 4.5 bilyong taong gulang at inuri bilang CM1 / 2 carbonaceous Chondrite, isang napakabihirang uring nagkakahalaga ng humigit-kumulang na $ 1.85milyon, o $ 857 bawat gramo.

Ginawa nitong instant na milyonaryo si Hutagalung sa pamamagitan lamang ng pagtuklas ng isang malaking bato sa kanyang sariling likuran.

Sino ang mag-aakalang ang isang bagay na inaakala niyang sumira sa kanyang tahanan, ay ang magiging biyayang bigay na magbabago sa kanyang buhay.