Tunay naman talagang masarap magkaroon ng sariling negosyo, dahil dito ay malaYa kang gawin ang gusto mo basta`t naayon sa saligang batas.

Hindi mo na rin kailangan magsuot ng uniporme at wala ka rin ditong amo dahil sa iyong negosyo ikaw ang boss at hawak mo pa ang iyong oras.

Samantala, Isang Lalaki naman ngayon ang kinagigiliwan ng maraming netizens dahil sa naging usap-usapan sa paaran nitong pagporma tuwing lalabas ng bahay na aakalain mong isang mayaman o kaya naman ay isang balikbayan.

Isa rin itong patunay na hindi mo pwede ibase ang isang tao sa panlabas na kaanyunan at pisikal na estado na nakikita ng ating mata.

Subalit alam naman natin na hindi maiiwasan yan sa panahon ngayon na mahusgahan ng ibang tao, katulad na lang sa nangyari kay Tatang!

Dahil sa pananamit ni Tatang na Pormal sa unang tingin ay inakala ng marami na isa siyang balikbayan o kaya naman ay abugado, kasama pa nito ang isa attache case na kanyan bitbit.

Ngunit ang kinagulat ng marami ang laman pala na dalang attache case ni Tatang na kinilalang si Bernie Mirafuentes ay ang kanyang panindang mani.

Kung titignan si Tatang Bernie ay tila papasok siya sa isang opisina, Naka long-sleeves, slacks, leather na sapatos at may gintong kwintas pa habang nagbebenta ng kanyang panindang mani sa mga eskuwelahan at ilang resorts sa lugar ng Iligan.

Kwento pa nga ng ibang nakakilala kay Tatang Bernie, noon daw ay madalas itong napapagkamalang guro sa tuwing pupunta ng mga eskwelahan.

Ngunit magugulat na lang daw ang marami kapag binuksan na ang attache case nadala. naglalako lamang pala ito ng Mani.

Marami naman ang natuwa kay Tatang dahil sa porma nito sa tuwing nagbebenta ng kanyang Panindang mani.

Ang ibang netizen nga ay sinasabing nakaka good vibes ang ganitong porma sa pagbebenta at lalo na mas gaganahan bumili ang mga tao kay Tatang kapag ganito ang kanyang porma dahil siguradong malinis ang paninda nito.

Ang larawan ni Tatang Berni na ito ay in-upload ng isang Facebook user na nag-ngangalang Arjay Aurellana. Dahil sa pagiging viral ng larawan ni Tatang.

Umabot na ng halos 10K reaksyon at 15K na komento ang naturang post na ito.

Panoorin sa baba ang video tungkol sa kwento ni Tatang Bernie: