Sa Panahon ngayon, hindi na ganoon kaseryoso ang mga tao lalo na sap ag- ibig. Kaya naman swertihan na lamang kung mapunta ka agad sa tamang tao o maturuan ka muna ng leksyon upang matuto.

Hindi dapat ginagawang biro ang relasyon pagkat ito ay maaaring maging malaking bahagi ng iyong hinaharap.

Marami pa ding naniniwala na mayroon talagang taong nakalaan para sa bawat isa. Sa kabilang banda, mayroong mga taong ginagawang libangan ang pagmamahal at pinagkakakitaan pa.

Kagaya na lamang ng iniulat ng GMA Public Affairs sa kanilang YouTube Community na kung saan ang lalaking ito ay nakipag date sa 50 babae para lamang perahan.

Tumistigo ang ilang mga bîktima na kung saan talagang tugma tugma ang kanilang kwento.

Narito ang kanilang mga pahayag:

“June 2020 ko nakilala si ‘Eric’ sa isang dating app. Wala talaga akong balak makipagkita sa kanya. Kaso sobra siyang mapilit. Hanggang nakuha niya ‘yung loob ko.

Seryoso raw siya. Nakipag-date ako. Sa first date namin, umutang siya sa akin ng P2,000. Kinagabihan din naman, binayaran niya na.

So sabi ko, ‘Ah, good payer naman ‘to.’ Pero ‘yung pangungutang niya, dumalas! Magugulat na lang ako na sinisingil ako ng tindera. Kasi raw boyfriend ko siya.

As in lahat ng tindahan, nautangan niya! Ako, siyempre, nahihiya ako, kaya ako na ‘yung nagbayad. ‘Yung utang niya, umabot na ng halos 70,000 pesos!

Until napansin ko sa Facebook niya na ang daming naka-block. Sabi niya, friends daw na toxic at mga ex niya. Hanggang sa pinagme-message ko sila lahat.

Tinanong ko sila kung paano nila kilala si ‘Eric’. Ang reply nilang lahat s aakin, ‘Scammer ‘yan.’ May utang daw na P48,000. May P30,000 na utang naman doon daw sa isa. Eventually, I found out na ‘yung naloko ni “Eric” sa modus niya, umabot na ng 50 tao! At nasa 1 million pesos na rin ‘yung natangay niya!” -“Lily”

“Halos P40,000 ‘yung nautang niya sa akin. Nu’ng una, maayos ‘yung relasyon namin. Ma-effort siya. Nagpakilala siya sa family ko. Nagdadala ng bouquet at cake para sa Mama ko.

Nagpapakitang-gilas talaga siya. Kaso every cut-off ng sahod, parang bigla-bigla siyang nagkakaproblema. ‘Yung mother niya nasa ICU. Namatay na raw.

Sinasabi niya pahiram daw muna ng pera at ibabalik din niya. Pero never siyang nagbayad.” -”Leslie”

“Nararamdaman niya kapag payout ko na. Manghihiram siya ng pera. Pati savings ko, nagalaw ko para mapautang siya. ‘Yung mom niya raw kasi nasa ICU.

Nanghiram siyang P5,000. Hanggang sa mahigit 10,000 pesos ‘yung nakuha niya sa akin!” -”Beverly”