Hindi maitatanggi na napakahirap ngang kumita ng pera ngayon dahil sa kasalukuyan nating sitwasyon.

Samantala, laking pasasalamat natin at naimbento ang modernong teknolohiya upang matulungan tayong kumita gamit ang online.

Madalas nakapagbibigay ng kaaliwan ang ating mga napapanood at nababasa sa iba’t ibang social media platforms na kung saan kapag ito ay sumikat, maaaring bayaran ito ng Google kapalit ng inihatid na content.

Samantala, minsan kahit wirdong content ay pinapatulan ng mga netizens.

Kagaya na lamang ng Malaysian Vlogger na sumikat at nakakuha ng milyon na views sa pamamagitan lamang ng pag- live video ng dalawang oras na wala namang kahit na anong ginagawa.

Hindi nga naman nagpatalo ang mga Pilipino kaya gumawa ng sariling version si Marnie Saez ng Cavite City na umani din ng 1.8 million views nang siya ay nag video live habang natutulog.

Nilagyan niya ito ng caption na “Time to sleep mga beshy, tara sama kayo”

Hindi niya inaakalang mag viviral ito at marami ang manunuod sa kanyang pagtulog.

Nang siya ay makapanayam ng Buzzooks, sinabi niyang napasaya siya ng kinalabasan ng kanyang pagtulog habang nag li-live dahil sa katunayan, hindiwalayan siya ng kaniyang 5 years live- in partner.

Hindi mawawala ang mga bashers na nagsasabing nag papaawa lamang daw si Marnie upang makakuha pa ng mas madaming views.

Sagot naman niya, wala na daw siyang pakealam sa sasabihin ng ibang hindi maganda pagkat ang importante sa kaniya ay masaya siya sa kaniyang ginagawa, ganoon na din ang iba pa.