May mga tao na hindi pa din makuntento sa kung ano ang mayroon sila.

Nakukuha pa din nilang magreklamo sa kabila ng mga pagkain sa kanilang hapag, bahay na natutuluyan, perang nagagastos kapag kinakailangan at pamilyang nauuuwian.

Kadalasan ay iniisip lang natin ang sarili ngunit kung tutuusin, kung pagmamasdan at oobserbahan an gating paligid, saka lamang natin mapag- aalaman na swerte pa din tayo sa kabila ng ating pinag dadaanan.

Isang larawan ang dumurog sa puso ng netizens na kung saan makikita ang mag amang ito na mahimbing ang tulog habang yakap ang kaniyang anak sa itaas ng tumpok na basurang inaanod sa ilog.

Kitang kitang madumi ang kanilang mga kasuotan maging ang mga plastic na kanilang hinihigaan

Hindi din ipinakita sa larawan ang kabuuang hitsura ng mag- ama at malinaw na detalye ngunit mas pinagtuunan ng pansin ang kanilang kalagayan.

Ang litrato ng mag- ama ay ibinahagi ng Facebook Page ng Bayan Ko. Samantala, madami din naman ang nag komento na nais nilang matulungan ang mag- ama sa pamamagitan ng pagtawag ng atensyon ng otoridad.

Napaka delikado na sa mundong ito kaya nawa ay matulungan tayo para protektahan at iahon ang isa’t isa.

Hiling ng mga netizens na maaksyunan ang mga ganitong sitwasyon dahil laganap na ang sakit noon pa man dahil sa maruruming paligid na maaaring ikapanganib din ng bata.