Ang bagong kasal na sina Shana at Wilbert ay lubos na nagtataka kung bakit palagi na lang may nawawala sa bahay nila. Mapa-pagkain o bagong bili na kagamitan.

“Bakit ganon? Simula nang tumira tayo dito, madalas magkanda wala ang mga pagkain natin sa ref pati ibang gamit natin dito sa bahay. Eh, hindi naman tayo madalas umalis?” nagtatakang tanong ni Shana sa asawa habang nakakunot ang noo

Imposible kasi sa mag- asawa na umalis sa kanilang bahay dahil home-based ang kanilang mga trabaho kaya mas madalas sila sa loob ng bahay kaysa sa labas

“Hindi ko din alam hon” sabay tingin sa kasambahay na si Manang Celia at nagtanong “Ikaw manang, wala ka bang napapansin? Hindi kaya napapasok tayo tuwing gabi?”

Mabilis na sumagot ang matanda “Naku ser, imposible po iyon. Bago po ako matulog ay sinisigurado ko na nakalock lahat ng pinto maging ang bintana ay sinasara ko”

 

Malaki ang tiwala ng mag- asawa sa matanda dahil noon pa man ay kasambahay na ito nina Shana simula pa nung bata siya.

Photo Illustration Only

Dahil sa tiwalang ito ay kinuha muli siya ni Shana upang maging kasambahay naman nila ng kaniyang asawa sa bagong nilang bahay

Nakakunot pa din ang noo ni Wilbert habang tumatango- tango habang si Shana ay napapakamot na sa ulo.

Muling nagsalita si Manang Celia at sinabi “Ang totoo niyan, maám at sir, iba ho ang pakiramdam ko sa bahay na ito. Madalas ako kilabutan simula noong lumipat tayo dito”

“Ano pong ibig sabihin niyo manang?” mahinang tanong ni Shana

“Hindi naman po sa nananakot ako. Pero para po kasing haunted house itong nabili niyo. Saka po dati may mga sinasabi ang iba na kapag madalas daw mawala ang pagkain at bagong biling gamit, may nananahan daw na masamang elemento sa bahay na iyon” malinaw na sagot ni Manang.

Photo Illustration Only

Kinilabutan ng bahagya ang mag asawa habang sabay na nagkatinginan. Madalas din makarinig ng mga haka- haka si Shana pagkat ang tatay niyaý isang sikat na albularyo sa kanila.

Inakala ni Mang Celia na naniwala ang mag-asawa sa kaniya ngunit ang hindi niya alam, naroon pa din ang pag dududa nila Shana at Wilbert ngunit piniling huwag muna pagbintangan ang matanda.

Upang masagot ito, umisip ng paraan ang dalawa. Pinalipas muna nila ng ilang linggo bago gawin ang plano.

Noong mga oras na namamalengke si Manang Celia, minadali ng mag- asawa ang pagpapakabit ng CCTV habang siya ay wala sa bahay.

Photo Illustration Only

Hindi natulog si Wilbert upang mabantayan ang bawat sulok ng bahay sa pamamagitan ng CCTV na ipinakabit hanggang sa binuksan ni Mang Celia ang pinto at may dalawang armadøng lalaki ang pumasok.

Ginising ni Wilbert ang asawang si Shana upang masaksihan ang mga pangyayari.

Minabuti nilang tumawag na sa mga pülis at nahuli sila sa akto. Ang dalawang armådong lalaki pala ay anak ni Mang Celia.

Photo Illustration Only

“Hindi ko sukat akalain na magagawa mo sa amin ito, Manang” mangiyak-ngiyak na sambit ni Shana.

Napayuko na lamang si Manang Celia at hindi na nagpaliwanag dahil sa kahihiyang ginawa. Siya pala ang kunsitidør na ina sa kaniyang nalüløng sa drøga na dalawang anak.

Walang wala na silang pera dahil sa bisyø ng mga ito kaya nila nagawang mågnåkaw sa sariling amo.

Natutunan ng mag- asawa na ang pagtitiwala ay hindi talaga dapat basta bastang makampante dahil anumang panahon ay maaari itong magbago higit pa sa inaakala mo.

Source: Inday Trending