Hindi makapaniwala ang isang mag-asawa mula sa Ohio sa kanilang natuklasan sa kanilang biniling lumang bahay matapos nilang mapag-isipan na ito ay ipa-renovate.

Wala sa kanilang isipan na sa kanilang pag-papaayos ng lumang bahay ay may madidiskubre silang mga salapi at malalaman nila ang tinatagong sikreto ng dating may-ari ng bahay.

Ayon sa kwento ng mag-asawa, Nagsimula daw silang magrenovate sa may basement. Habang Ito ay ginagawa nila ay napansin nila ang isang plywood na nakausli.

Dahil dito napagpasyahan ng mag-asawa na unahin ang parte ng attic na iyon at inalis ang plywood.

Pagtanggal ng plywood may nakita daw silang graffiti sa may dingding na may ibat ibang simbolo ang nakasulat.

Samantala, sa ibabaw naman daw ng kisame ay may napansin silang tila isang kahon na nakaipit sa may pagitan ng mga kahoy.

Agad nila itong kinuha gamit ang kanilang lakas napansin din nilang mag-asawa na tila saktong sakto ang pagkakaipit ng kahon sa mga ito.

Nang ito ay mailabas na, nakita nila na ang kahon ay kulay berde at silver medyo mabigay daw ito at mukhang sinadya ang pagkakatago upang walang makakita.

Sobrang na excite daw ang mag-asawa ng mahawakan nila ang kahon ngunit hindi rin nawawala sa kanilang isipin ang mangamba kung ano nga ba ang laman nito.

Kinabukasan din na iyon ay napagdesisyunan ng mag-asawa na buksan ito, mas pinili rin daw nila na magkasama sila kapag ito ay binuksan upang matulungan ang isa-t-isa kung sakaling may hindi magandang mangyari.

Dahan-dahan binuksan ng mag-asawa ang kahon at agad bumungad sa kanila ang mga lumang pera. Labis naman ang pagkagulat ng mag-asawa ng makita nila na ang laman pala ng kahon ay pera.

Mayroong tatlong bundle daw ang pera hindi naman makaapniwala ang magaswa sa kanilang natuklasan.

Binilang naman agad ng mag-asawa ang pera at kasabay ng kanilang natuklasan ay ang pagtatanong kung kanino nga kaya ito at bakit ito itinago sa kisame.

Nagsimula na ngang magimbestiga ang mag-asawa at sa pinaka ilalim ng suitcase ay may nakita silang dyaryo.

Ang naturang dyaryo daw ay nagmula pa noong 1951 at dito nila nakita na ang dyaryo ay gawa sa Cleveland. Ito ang magiging susi sa kwento ng pera.

Kaya naman agad nila itong dinala sa FBI, ang pera ay tinatayang umabot ng $23,000 hindi pa daw kasama ang mga nakita nilang relo sa kahon.

Sinang-ayunan naman ng FBI ang mag-asawa dahil sinabi ng mga ito na malaking halaga nga ang natuklasan ng mag-asawa na mga lumang pera at mga gamit.

Kaya naman naisipan ng mag-asawa ma mag hire ng abogado ulaong ma appraise ang mga kagamitan.

Matapos ang pangyayari napag-isipan ng mag-asawa na mag celebrate panandalian, ngunit hindi nagtagal ay bumalik na sila sa kanilang dating plano na irenovate ang bahay.

Muli ay may nakakita sila ng isa pang maleta na mas mabigat kaysa sa una nilang nakuha katulad dati ay iniisip nila na pera ang laman ng mga ito.

At nang buksan nga nila ang isa pang maleta na kanilang nakita ay bumungad ulit sa kanila ang punong-puno na pera.

Pumasok naman agad sa isipan ng mag-asawa na gamitin ito pambayad sa bahay at gastusin ng renovation. Umabot ng halos $45,000 ang nilalamang pera ng nakita nilang maleta.

Kalaunan naman ay napagdesisyunan ng mag-asawa na ipaayos na ang buong bahay. Doon ay may nakita naman silang isang lihim na pinto kung saan nakakabagabag na kwarto.

Lingid sa kanilang kaalaman ay kakailanganin na pala nila ang tulong ng FBI.

Kahit nagdududa ay kanila din binuksan ang maleta, at sa kanilang pagbukas ay hindi limpak limpak na pera ang laman nito kundi mga relo, singsing, jewelry box, envelopes at mga cash na mula sa ibat-ibang bansa.

Habang hinihintay ng mag-asawa ang mga Pulis ay may nakita pa silang safety box. Pakiramdam ng mag-asawa ay may kahindik-hindik ang nangyari sa kwartong iyon.

Nang mabuksan nila ang safety box ay may bumungad na papel na may nakasulat na “SAVE YOURSELF”.

Ang naturang box ay naglalaman rin daw ng mga VHS tapes at may nakasulat sa mga isa dito na “Do Not”. Anim ang bilang ng tapes sa loob ng box ang lima rito ay may mga label.

Agad nila itong ibinagay lahat sa FBI upang magimbestigahan ng mabuti. Walang ibang nakapanood nito kundi ang mga FBI lamang.

Bagamat hindi alam ng mag-asawa kung ano nga ba talaga ang tunay na kwento ng kanilang nabiling bahay ay masaya parin sila dahil sa kanilang natuklasan kayaman dito.