Hindi madali para sa lahat ang kumita ng pera pagkat ang mga oportunidad ay inihahain lang madalas sa may kaya o hindi kaya man ay nakapagtapos ng pag- aaral.

Mas lalong nahirapan ang mga tao na humanap ng trabaho ngayong pandemya na kung saan nabigla ang lahat nang hindi pa nakapaghahanda.

Sa katunayan, napakadami ang nawalan ng pagkakakitaan at negosyo dahil sa matinding pagkalugi ng mga ito.

Madami ang nagreklamo at nagalit samantala ang iba ay dumiskarte upang patuloy na masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Naging inspirasyon para sa marami ang mag- asawang Ceejay Ponce at Mylene. Ginamit nila ang plataporma ng social media upang magtinda ng kanilang baked pastries.

Nagsimula man sa maliit ngunit dahil sa sipag at tyaga ay nakapagpundar pa sila ng sarili nilang bahay.

Inilahad ni Ceejay sa kaniyang Facebook post ang paasalamat sa lahat ng tumulong sa kanilang mag- asawa. Nakabawas sa gastusin ang “labor” pagkat mismo ang kaniyang ama at pinsan ang mga nagtrabaho dito.

Pinasalamatan niya din ang kaniyang ina na nag- asikaso ng mga kailangan sa bahay sa tuwing abala ang mag- asawa sa pagtitinda at pagdedeliver sa kanilang online negosyo.

Higit sa lahat, ang kaniyang asawang sumusuporta sa kanya at hands on mom sa kanilang anak.

Naging posible ang pagpapatayo ng kanilang small but adorable na bahay sa tulong at suporta ng kanyang buong pamilya at bunga na din ng kanilang pagttyaga sa negosyo.

Hindi na alintana kung maliit man ang kanilang tahanan pagkat ang importante ay ang linis at ganda ng loob at mga nakatira dito.

Ibinahagi din ni Ceejay ang proseso at kabuuang bahay nila.