Ang mga magulang ay kayang magsakripisyo para lang sa kanilang mga anak. Sa mga oras, nagtatrabaho sila ng sobra, madalas nilang makalimutan na tao rin sila na kailangan ding magkaroon ng sapat na dami ng oras upang makapagpahinga at kumain.

Ang dapat nilang alalahanin na kailangan nilang mabuhay nang matagal upang makita nila ang kanilang mga anak na makamit ang kanilang mga pangarap at makasama sila kapag nangyari iyon.

Sa kasamaang palad para sa ama na ito, nabigo siya upang matupad ang dapat niyang ihanda para sa hinaharap ng kaniyang mga anak sa abot ng makakaya ngunit nauwi siya sa kabilang buhay.

Ayon sa World of Buzz, si Misyanto, 66, ay isang tindero ng sorbetes na natagpuang walang buhay ng mga lokal na tao sa kanyang motorsiklo sa Desa Ledokombo, East Jawa, Indonesia.

Si Suwoco, isang residente sa lugar ay nais na tumawid sa kalsada ngunit natagpuan niya si Misyanto na nakaharang sa kalsada na nakahiga ang ulo hawak ang motorsiklo.

Kaya, sinubukan niyang sumigaw ngunit walang tugon. Pagkatapos, sinubukan niyang lumapit kay Misyanto at doon niya nalaman na hindi na siya gumagalaw.

Iniulat ng Suara Indonesia na ang dahilan ng pagkamatay ni Misyanto ay pagkapagod habang sinubukan niyang pigilan ang lahat ng sakit na nararamdaman upang magpatuloy sa pagbebenta ng mga ice cream at mabuhay para sa kanyang pamilya.

Sinasabi din nila na madalas siyang nagrereklamo ng paghihirap sa paghinga at sakit ng ulo ngunit nagpatuloy pa rin sa kanyang trabaho.

Inihayag din ng mga pagsisiyasat na isinagawa ng pulisya na walang mga palatandaan ng pakikibaka sa lugar ng insidente at ang mga gamit ni Misyanto ay buo pa rin.

Nakalulungkot na natapos ang buhay ni Misyanto sa ganitong paraan ngunit sigurado na ang kanyang pamilya ay walang nang maisusumbat kundi pasasalamat para sa kanilang ama at siyaý patuloy na kikilalanin bilang kanilang tatay na nagbuhos ng lahat, maging ang kanyang buhay para sa kanilang kapakanan.