Sa panahon ngayon in-demand ang mga delivery riders parami kasi ng parami ang mga nahihilig umorder online.

ngunit sa pagdami ng mga customer ay dumarami din ang mga bøgus customer na mahilig magkansela ng kanilang orders kaya naman maraming delivery riders ang labis na naapektuhan.

Samantala, kahit pa dumarami ang kaso ng mga nalolokong delivery riders ay marami pa rin ang nagpapatuloy sa kanilang ganitong trabaho dahil ang iba sa kanila ay ito na lamang ang tanging pinag-kukunan ng nila para sa kanilang pangangailangan.

Ngunit labis na nakakalungkot isipin na sa kabila ng hirap ng mga delivery riders at maliit na kita ay may mga tao pa rin na talagang walang puso at gumagawa ng masama sa mga ito.

Katulad na lamang sa nangyari sa isang delivery rider na ito na ninakawan ng mga magnanakaw.

Ayon sa ulat ng World of Buzz, ang dalawang magnanakaw ay mula sa Karachi, Pakistan ay tinangkang nakawan ang isang food delivery rider.

Ngunit, ang intensyon na magnakaw au hindi na nagawa magnanakaw dahil labis ang pag-iyak ng kawawang delivery rider sa harap ng magnanakaw na naging dahilan para ibalik ng mga kawatan ang sanay nanakawin na Pera at gamit sa delivery rider.

Sa naturang video na in-upload ng The Express Tribune (@etribune) sa kanilang Twitter account, makikita ang dalawang magnanakaw na nakasoot ng damit na kulay puti at nakasakay sa isang motorsiklo.

Makikita rin sa video na bago pa makalayo ang mga naturang magnanakaw sa lugar na pinangyarihan ay umiyak na ng umiyak ang delivery rider kaya naman ibinalik na lamang ng mga magnånåkaw ang pera at gamit na kanilang kinuha dito.

Bukod pa dito, niyakap pa ng magnånåkaw ang delivery rider at tinapik ang balikat nito upang mapahinto sa pag-iyak.

Siguro ay nakonsensya ang mga magnanakaw sa ginawa nila sa rider, dahil tingin nila na ang gagawin sana nilang pagnanakaw ay napakalaking epekto sa delivery rider kaya labis ang pag iyak nito.

Kaya naman sana ay maging aral ito sa lahat, hindi lamang para sa mga magnanakaw kung hindi pati na rin sa lahat ng tao napinaplanong gumawa ng masama katulad nito.

Na hindi kailan man naging mabuti ang pagnanakaw sa ating kapwa.

Dapat ang lahat ay magsumikap at magtrabaho sa mabuting paraan para makamit ang mga pangarap na walang tinatapakang iba at walang pinag sasamantalahan.