Habang tumatagal at dumarami ang bilang ng tao sa mundo ay dumarami din ang gumagamit ng plastik.

Kaya naman hindi maiwasan ang paglaki ng problema ng kalikasan pagdating sa “plastic pollution”.

Subalit imbes na itapon sa basurahan ang mga plastik na gamit na ay nakaisip ang isang 43-anyos na Lalaki mula sa Antipolo na gamitin nalang ito para hindi makadagdag sa problema ng kalikasan.

Ang naturang Lalaki ay isang masugid na tagapagsubaybay ng mga Japanese Anime (batay sa mga kinabibilangan niyang Facebok Group).

Kaya naman naisipan niyang lumikha ng ibat-ibang replika ng Super Electromagnetic Machine Voltes V at iba pang mga action figure gamit ang mga plastik na patapon na at hindi na ginagamit.

Nakilala ang Lalaking Artist na si Christopher Dominisac, ang mga larawan na kanyang Likha ay ibinahagi niya sa Facebook page na Voltes V Philippines.

Ayon naman sa kanyang post noong nakaraang buwan ng Pebrero may plano siyang i-exhibit ang mga toy robots niya.

“Unang picture ko po dito na kasama mga scrap built natin. “Basura at ang Basurero” kakampi ng kalikasan.

Ito po title ng exhibit soon.. God willing.. Salamat po admin! And awesome friends,” post ni Christopher sa Facebook.

Kung pagmamasdan niyo ang kanyang mga Likhang Robots, makikilala at makikita niyo dito ang mga plastik na pinagkalagyan ng ice cream, ng mineral water, shampoo at iba pang mga lagayang plastik.

Ang ilan naman sa mga Robot na kanyang Likha ay isang Malaking Voltes V at isang maliit na Mazinger Z.

“Details on going, neck, feet, fist etc. Maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-a-appreciate dito sa aking basura robot. Admins and friends! Mazinger Z attempt , 2 ft 3 inches achieved,” sabi pa ng artist na may pusong makakalikasan.

Ang mga likha na ito ni Christopher ay malayo na ang narating, Kamakailan nga lang ay natampok siya sa isang Programa ng GMA7 na “I Juander”. Kung saan hinihikayat niya ang mga na tao na mag-upcycle ng mga plastic wastes.

Ang sinasabing upcycling ay tinatawag dimg creative resue ito ang isang proseso kung saan ang mga waste materials ay itina-transform para maging isang bagong materyales o produkto na maaring mas may mataas na value kumpara sa mga ginamit na materyales sa paggawa nito.