Bilang mag-asawa kayo ay may pinangako sa isa-t-isa na “sa hirap at sa ginhawa kayo ay magkasama” ito ang salitang inyong pinanghahawakan at nagpapatibay ng isang relasyon kapag may mga pagsubok na dumarating.

Kahit pa anong problema at pagsubok ang dumating ay magkasama itong haharapin ng mag-asawa.

Dahil bilang mag-asawa ay problema ng isa ay problema rin ng kanyang kabiyak, dahil kayo ay iisa simula ng kayo ay naging mag-asawa at magkasama din kayo sa pag-abot ng inyong mga pangarap.

Samantala, tila kakaiba ang isang Mister na ito na usap-usapan sa social media dahil sa nagawa niyang ipamigay ang kanyang sariling asawa sa ibang lalaki dahil daw sa kahirapan.

Ang babaeng sinasabing ipinamigay ng Mister ay kinilalang si Mae Salangsawa 25 taong gulang at mula sa Bulacan.

Maging ang vlogger na si Lorry Talita ay nagulat rin ng malaman niya ang mga naging karanasan ni Mae.

Ayon sa vlogger na si Lorry, ang plano lang sana niya ay bigyan sana ng grocery items ang naturang misis, ngunit biglang nabanggit ni Mae na ang kanyang kinakasamang lalaki ay ikalawa na pala niyang asawa.

Kwento ni Mae, Nahihirapan daw ang kanyang unang asawa na buhayin daw sila kaya naman napagdesisyunan ng kanyang asawa na ipaubaya nalang siya sa ibang lalaki.

Pagpapatuloy ni Mae, Noong araw daw ay palagi siyang sinasaktan ng kanyang Lolo kaya naman ito daw ang naging dahilan ng maaga niyang pag-aasawa at ng makaalis siya sa poder ng kanyang Lolo.

Sinabi rin ni Mae na ang kanyang ina daw ay isang
Overseas Filipino Worker (OFW) ngunit wala naman daw itong pakialam sa kanilang magkakapatid.

Kaya naman ng marinig ng vlogger na si Lorry ang kwento ni Mae ay talagang nadurog ang kanyang puso at hindi akalain kung gaano kahirap ang nangyare sa Misis, Gayunpaman ay binigyan ni Lorry ang naturang Misis at mga anak nito ng Grocery Items para sa kanilang pamilya.