Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Mommy at umagaw ng pansin ng maraming netizen dahil sa kabila ng pagkakaroon na nito ng anak ay talaga namang mukha pa rin itong dalaga dahil sa taglay niyang kaseksihan at may baby Face na mukha.

Kaya naman maraming mga netizen ang napapagkamalan itong kasintahan ng kanyang binatang anak.

Ang nasabing Mommy ay 40 taong gulang na at ang kanyang anak ay nasa edad ng 22 taong gulang at isang binata na nakilala bilang si Jonathan Nguyen.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, Lagi daw napagkakamalan ang ina ni Jonathan na girlfriend nito.

Dahil nga daw sa taglay ng batang mukha ng kanyang Ina at napaka-fit rin daw ng pangangatawan nito kaya naman hindi malabong mapagkalaman na isang dalaga.

Sa naging kwento ng Binatang si Jonathan sa larawan nila ng kanyang Ina sa social media kung saan ay nilagyan niya ito ng caption na “Meet my mom and my bestfriend”.

Marami talagang namangha dahil hindi mo aakalaing mag-ina ang dalawa lalong lalo na sa larawan kundi mapapagkamalan mo itong magkapatid o kaya naman ay magkasintahan dahil sa batang mukha ng Ina nito at pagiging fit ng katawan nito.

Nang maging viral ang naturang larawan ng mag-ina ni Jonathan sa social media ay maraming netizen ang napa-isip kung ano nga ba ang sikreto ng ina ni Jonathan Nguyen sa pagpapanatili ng kagandahan ng mukha at kaseksihan nito sa kabila ng kanyang edad at pagkakaroon ng anak.

Sinagot naman agad ang mga tanong ng netizen kung ano nga ba ang sikreto ng Ina ni Jonathan para mapanitili ang pagiging seksi at batang mukha. Kung saan sinabi nito na “proper diet at exercise” lamang ang sikreto nito at kailangan ay imaintain ito para ma achieve ang pagiging fit ng katawan at batang mukha.

Talagang kahit sino naman ay mamangha at bibilib sa Mommy ni Jonathan dahil hindi mo talaga mahahalata sa mukha at katawan nito na ito ay may 40 taong gulang na at isa ng mommy.

Karamihan talaga sa mga nakakakita ng larawan ng mag-ina ay hindi makapaniwala na siya ay 40 taong gulang na at may anak na.

Patunay lamang talaga ang Ina ni Jonathan na ang tunay na sikreto at kinakailangan para mapanatiling bata ang mukha at maganda ang pangangatawan ay tamang disiplina sa pagkain at ehersisyo para ma achieve mo ang iyong pinapangarap na “young look at fit body” katulad ng sa ina ni Jonathan.

Kaya naman para sa mga Mommy dyan na gustong maging katulad ng Mommy ni Jonathan alam niyo na ang dapat niyong gawin tamang disiplina sa pagkain at ehersisyo ang kinakailangan.