Kilalang kilala si Lindsay Custodio pag napapanood na sa TV ang “4:30 na! Ang Tv Na!” na sumikat na isang comedy variety show noong dekada 90’s sa ABS- CBN.

Si Lindsay Custodio ay hindi lamang magaling sa pagho-host, Siya din ay isang magaling na mang-aawit.

Marami din sikat na Kapamilya show na kabilang siya at ilan sa mga nakakasama niyang artista ay si Jolina Magdangal at Roselle Nava na palagi niya rin nakakasabay sa pagkanta.

Pero Mas gumanda at nagkaroon ng kulay lalo ang kanyang career sa showbiz nung siya ay nag-focus sa pagkanta. Siya ay kinuha ng Kapamilya Network bilang isang Recording Artist.

Nagkaroon siya ng sariling album na ang una ay “My First” ang sumunod naman ay ang “Lindsay: New Horizons at ang huli ay ang “Araw ng Pasko”.

Halos ilan sa mga kanta niya ay sumikat at siya ay sobrang nakilala dahil sakanyang magandang tinig.

Nagpatuloy si Lindsay sa Pag-gawa ng kanta at ang mga nagawa niyang kanta ay ang “Malay mo” at ang “Tuksuhan na kung saan naman ay lalo pa siyang sumikat.

Hindi lang sa Pag-awit at Television nag pakitang gilas si Lindsay napasaman din ito sa isang Block Buster movie na “D’Sister” at “Nun of the Above”.

Taong 2000 noong nag paalam siya sa showbiz at mas ginustong matahimik at mag karoon ng sariling pamilya.

Ang kinakasama niya ay si Julius Caesar Platon II na isang Public Servant na kung saan ay biniyaaan sila ng dalawang anak.

Sa katagalan sinubok si Lindsay kung gaano siya katatag dahil sa pagpånåw ng kanyang minamahal na Julius Caesar sa edad ng 43 years old ng dahil sa Atåke sa Püsø.

Ayon sa Aktress na hindi siya nagsisisi na iniwanan niya ang showbiz kapalit ng katahimikan niyang mundo.

Malaking ang pasasalamat niya sa asawa niya dahil noong nabubuhay pa ito ay tinuruan siyang tumulong sa kapwa.

At ang ayon din sa kaniya ay hindi niya rin pipigilan o aawitin ang kaniyang dalawang anak na si Sean at Charisse kung gusto pumasok sa Showbiz ito din raw ay susuportahan niya.

Hindi niya rin tinatago ang kanilang kwento ng buhay nila sa mga taga-hanga niya. Kaya naman ipinubliko nya ang kanyang account sa Instagram upang malaman ng mga tao kung ano ba ang buhay ngayon ng isang Lindsay Custodio.