Sa panahon natin ngayon usong-uso ang ibat ibang social media platforms na ginagamit ng marami sa atin, ang iba pa nga ay nahihilig na ibahagi dito ang kanilang ibat-ibang mga larawan.

Minsan nga ay kasama nila ang kanilang mga kaibigan o kaya naman ay ang kanilang kapamilya.

Samantala, isang larawan naman ang nagdala ng takot sa mga netizens kung saan makikita ang isang babae na hawak-hawak ang sanggol.

Ang naturang larawan na ito ay talagang pinag-usapan sa social media at marami ang napatanong kung papaano nga ba ito nangyari?

Ang babaeng tinitukoy sa larawan ay nakilala si Arlaine Villosabri at ang kanyang sanggol na kandong-kandong ay napag-alaman na kanya palang pamangkin.

Ayon kay Arlaine ay nais niya lang magkaroon sila ng larawan ng kanyang bagong silang na pamangkin. Ngunit hindi niya akalain na ganoon ang kalalabasan ng kanilang larawan.

Sa Facebook acccount mismo ni Arlaine ibinahagi ang ilang larawan nila ng sanggol. Kung titignan mo sa unang tingin ay parang normal lamang ang larawan at walang kakaiba.

Ngunit kung pagmamasdan mo maigi ang anino na nasa likod ng babae sa larawan ay tiyak na kikilabutan ka sa takot!

Kwento pa ni Arlaine, iyon palang ang unang pagkakataon na makapunta siya sa bahay ng kanyang kapatid na si Lean. Kaya naman hindi daw niya inaasahan ang nakakakilabot na pangyayaring iyon.

Dagdag pa niya, nakiusap lang daw siya sa kanyang Ate Lean na pagkatapos padedehin ang sanggol ay kanya itong bubuhatin para makuhanan ng litrato kasama siya.

Giit din ni Arlaine na siya mismo ang nagbukas ng camera ng kanyang cellphone at sigurado daw siya na wala kahit anong application o filter silang ginamit dito.

Ayon naman sa kanyang Ate Lean ay wala daw itong napansin habang kinukuhanan ng litrato ang mag-tita.

Ngunit nang tignan ni Arlaine ang mga larawan nila ng kanyang pamangkin ay napansin niya ang kakaibang anino sa kanyang likuran.

Makikita daw sa picture na imbes na parehas ang pose ng anino sa kanyang pose ay magkasalungat ito.

Nakabaluktot dsw ang mga kamay niya dahil sa pagkakabuhat sa baby ngunit ang anino ay mapapansin na parang kubo o nakayuko at kitang kita ang kamay na nakababa.

Tunay na nakakilabot ang nangyaring ito kay Arlaine kaya naman agad na umalis at umuwi si Arlaine. Pinayuhan rin siya ng mga tao sa bahay na yon na huwag na munang bumalik sa naturang bahay.

Nagbigay din ng payo ang mga netizen na nakakita ng larawan, marami ang nagsabi na lagi daw itong magdasal sa Panginoon ay marami din daw talagang mga bagay sa mundo na hindi maipaliwanag.