Ang pagiging isang online seller ay isang marangal na trabaho na kung saan kinakailangan mo ng sipag, tyaga at pakikisama sa iyong mga customers.

Kaya tinawag itong online selling dahil sila ay nagbebenta ng kanilang mga produkto gamit ang iba’t ibang social media platforms upang makita ng netizens.

Natural lamang na palagi silang magpost ng kanilang mga produkto pagkat isa iyon sa kanilang paraan upang makabenta.

Samantala, imbis na mamili ang iba ay nagagawa pa nilang maliitin ang masisipag na seller.

Kagaya na lamang ng naging karanasan ng founder ng Perfect Skin All Naturals na supplier ng organic beauty, cosmetic and personal care products mula sa Bacolod City na si Kat Liam Lucas Trujillo-Ureta.

 

Ayon sa kaniya, mismong mga inaakalang kaibigan at pamilya niya pa ang nangmaliit sa kaniyang kakayahan bilang online seller.

Kadalasan sa kaniyang naririnig ang “Sayang si Kat no, naging online seller lang. ‘Yan ang mga salitang parati kong nariring sa mga kaibigan at relatives ko noon,” aniya ni Kat.

Nakaranas din daw siya ng pag a-unfriend sa kaniya sa Facebook ng ilan sa kaniyang mga kaibigan pagkat nainis na daw ang mga ito sa palagiang pagpopost niya sa kaniyang account.

“Naranasan ko na rin na pinag-uunfriend ako ng mga taong akala ko friends ko kasi daw puro paninda post ko Relate din ho kayo ba?”

Ngunit hindi alam ng mga ito ang tagumpay na kaniyang nakamit sa likod ng pagiging isang “ONLINE SELLER LANG”. Ibinunyag na niya ang bungang napalaking bahay na galing sa kaniyang pagtitinda.

Ang bahay na kasalukuyang ginagawa ay nasa loob ng isang gated subdivision sa Bacolod City na may floor area na 721 sq meters na ipinapatayo sa loteng may sukat na 638 sq meters.

Pitong bedrooms ang nasa loob at may family theater pa. Higit pa doon, mayroon din silang swimming pool at Jacuzzi na may 7 meters ang lapad.

Hindi din biro ang kanilang garahe pagkat kaya nitong mapunan ng 5 kotse katabi nito ang kanilang garden patio.

Ayon sa kaniya, nagbinga na ang dating minamaliit at pinanghihinayangang online seller.

“Eto po yung online seller LANG kung tawagin ng mga mapanghusgang komunidad. Kaya sa mga gaya kong online seller d’yan, taas noo at ‘wag mahiyang sabihin “Opo online seller ako at proud ako sa trabaho ko.”

Sayang si kat no, naging online seller lang 🙈

Yan ang mga salitang parati kong nariring sa mga kaibigan at relatives…

Posted by Kat Liam Lucas Trujillo-Ureta on Saturday, February 20, 2021