Sinuspinde ng Donghai Airlines ng Chîna ang kanilang isang Piloto at Male Flight Attendant matapos umano ang dalawa ay magpangbuno at magråmbol sa loob mismo ng eroplano habang ito ay nasa himpapawid.

Hanggang ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Civil Aviation Administration of China ang nangyaring insidente.

Tiniyak naman ng naturang ahensya na matindi ang magiging kaparusahan kung mapatutunayang nalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero ng Flight DZ6297 mulansa Nantong patungo sa destinasyon nito sa Xian.

Ang naturang insidente ay agad kumalat sa Chinese social media matapos iupload ng isang WeChat user ang larawan mismo ng dalawang nag away na Piloto at Flight Attendant.

Ayon sa inilabas na ilang impormasyon ng awtoridad ang naging ugat daw ng insidente ay ang isang pasaherong gusto daw gumamit ng bathroom sa firstclass section ng eroplano mga 50, minuto daw bago lumapag ang flight sa airpprt noong February 20,2021.

Samantala, Bago daw mangyari ang insidente ay lumabas din ang naturang piloto sa kanyang cockpit upang gumamit ng banyo.

Ngunit may isa rin na pasahero na gustong gumamit nito. Sinabihan daw ng Piloto ang pasahero na maghintay ito sa kanyang upuan.

Ngunit ng matapos daw ang piloto ay naroroon pa rin daw sa labas ng banyo ang naturang pasahero at naghihintay. Dahil daw dito pinagalitan ng piloto ang flight attendant ay sinabihan ito na hindi ginagawa nang tama ang kanyang trabaho.

At doon na daw nagsimula mag-init ang dalawa nung una daw ay nagkakasagutan lang ang dalawa. Ngunit kalaunan ay nauwi na sa pisikalan.

Dahil daw sa insidente ay napilayan ng braso ang flight attendant samantalang nalagasan naman ng isang ngipin ang piloto.

Pagpapaliwanag naman ng isang beteranong Piloto na si Chen Jiangua.

Hindi daw talaga pinapayagan ang mga pasahero na lumapit sa bathroom kapag ginagamit ito ng piloto upang maiwasan daw ang posibilidad na daluhungin ang piloto at mag resulta para manganib ang kaligtasan ng lahat ng pasahero sa isang flight.

Source: Definitely Filipino