Marami tayong kababayan na nakikipag sapalaran sa ibang bansa para sa kanilang mga pamilya, ngunit sa kasamaang palad nga ay may iilan sa atin na minamaltrato ng kanilang amo at ang iba naman ay hindi pinapasahod.

Pero hindi naman lahat ay malas sa kanilang amo katulad ng kwento na ito na isa nating kababayan sinuwerte sa kanyang among napuntahan.

Siya ay si Rosie Vargas Villas, napag-alaman na kahit isa na siyang Milyonarya dahil sa pagsisikap sa trabaho bilang yaya sa abroad ay hindi parin siya tumitigil sa pagiging yaya at pagsisilbi sa ibang bansa.

Pero bakit nga kaya hindi pa niya iniiwan ang pagiging Yaya sa kabila ng kanyang Yaman?

Ayon kay Rosie walang taon na siya nagtatrabaho sa bansang Dubai bilang isang Yaya, Masuwerte daw siya sa kanyang among napuntahan dahil itinuturing siya dito bilang miyembro ng pamilya.

Sa pahayag ni Rosie sa “Global Pinoy Unlimited” Siya daw ang nag-aala ng anak ng amo nito mula noong maliit palamang ito hanggang sa lumaki na.

Kwento pa nito hindi daw yaya ang pagapapakilala ng amo nito sa kanyang Alaga kung hindi “special auntie”.

“Rosie is not your nanny or a helper, she is your special auntie,’” -pagkukwento ni Villas na sinabi raw ng kanyang amo.

“Ako kasi kapag nag-aalaga ng bata minamahal ko eh. Iba talaga kapag ikaw ang nakagisnan niya mula noong maliit. The way ng pagmamahal mo sa kaniya, mas sobra pa minsan ‘yung pagmamahal ko kaysa sa nanay niya,” dagdag ng Rosie.

Kahit daw mga problema ni Rosie sa Pilipinas ay tinitulungan siya ng kanyang amo dahil para daw sa kanyang amo ay parti daw siya ng pamilya.

“Sinasabi nila, ‘Pamilya tayo, wala tayong taguan. Kung ano ‘yung problema mo problema namin. ‘Pag may problem sa bahay pag-usapan natin.

At saka huwag kang magtago.’ Talagang understanding ‘yung amo ko,’” -dagdag pa ni Rosie habang nagkukwento na mangiyak-ngiyak.

Si Rosie daw ay mayroong mga anak sa Pilipinas pero patuloy pa rin siyang naglilingkod sa kanyang amo sa Dubai kahit siya isa nang milyonaryo.

Isa sa kanyang inspirasyon para mag sumikap ay ang kanyang Pamilya at anak.