Lahat ay gagawin ng mga Magulang para sa kanilang mga anak may kasabihan nga tayo na “Walang magulang ang kayang Tiisin ang kanyang Anak”, handang isakripisyo ang lahat para lamang sa kanyang pamilya lalong lalo na kung ang pag-uusapan ay ang pangangailan ng kanilang anak.

Ganito ang kuwento ng isang Ama na ang trabaho ay ang maghatid ng mga Diyaryo, Isang marangal na trabaho ngunit kakarampo ang kita.

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Franco Emperado para maibili ng T-Shirt ang kanyang anak na si Federico, 12 taong gulang at isa umanong sakiting bata.

Ang kuwento at mga larawan ng mag-ama ay ibinahagi sa social media ng concerned netizen na si Remie Maek Baon, may-ari ng shop sa Biñan, Laguna kung saan bumili si Tatay Federico ng damit.

Ayon sa Kuwento ni Remie, Araw-araw daw niyang nakikita na dumadaan si Tatay Franco sa kaniyang shop, Iyon pala ay sinisilip nito at pinag-iipunan ang T-shirt na balak niyang bilihin para sa anak nitong si Federico.

“Natutuwa lang ako sa mag-ama kasi pansin ko na parang talagang kulang ‘yong budget ni tatay para sa mga price ng damit.

Kaya ginawa ko ibinigay ko nang mababa kay tatay,” ani Remie Mark sa kaniyang post kamakailan.

Matapos mabigyan ng malaking discount para mabilig ang T-shirt tuwang-tuwa na umuwi ang mag-ama.

“Nakakatuwa lang kasi kita mo ang ngiti sa kanilang mag-ama na halos magtatalon no’ng pauwi na,” -dagdag ni Remie Mark.

Kuwento naman ng asawa ni Tatay Franco na si Nanay Florentina, napilitan daw siyang tumigil sa pagtatrabaho upang maalagan ang kanyang anak na sakitin.

Tanging si Tatay Franco na lamang ang nagtatrabaho sa kanila at tanging pagdedeliver lamang ng diyaryo ang pinagkakakitaan nila kaya hirap talaga sila sa buhay.

Samanatala, sa kabila ng hirap na kanilang nararanasan patuloy daw na nagsusumikap ang kaniyang asawa na makapag-ipon kahit inabot ng halos isang buwan para lamang maibili ng dsmit ang kanilang minamahal na anak.

Saludo po kami sainyo, Nanay Florentina at Tatay Fedrico! Naway pagpalain kayo para sainyong Pamilya! Mabuhay po kayo.

Source: ABS-CBN , Facebook