Madami ang humahanga sa aktres na si Andi Eigennman dahil sa kaniyang kababaang loob at bilang isang huwarang ina para sa lahat.

Isang mabuting anak sa kaniyang ina, hands- on na ina para sa kaniyang dalawang anak at mapagmahal na nobya para sa kaniyang partner na si Philmar.

Maaaring ang iba ay hindi makita ang dahilan kung bakit tinalikuran ni Andi ang lahat para lamang mabuhay sa isla.

Sa katunayan, sariling desisyon ni Andi ang mamuhay sa tahimik at mapayapang isla sa Siargao kasama ang kaniyang mga tunay na minamahal.

Madami ang nanghihinayang sa buhay ni Andi Eigennman at sa kaniyang taglay na ganda maging ang kaniyang karerang iniwan sa Maynila.

Hindi maiiwasan na mayroon at mayroong masasabi ang mga matang mapang husga sa pisikal na kaanyuan ng kaniyang partner na si Philmar.

Bukod sa estado ng buhay nito, napapansin din ng mga tao ang kaniyang hitsura na hindi naman daw babagay sa napaka gandang aktres na si Andi.

Dahil dito, bumwelta si Andi ng pagtatanggol para kay Philmar. Ipinagmalaki niya ang kaniyang partner at idiniin niya na hindi dapat minamaliit ang mga taong naninirahan sa “LANG” sa isla sapagkat ang mga taong ito ay ang pinakamayaman dahil napapaligiran sila ng natural at napakagandang mga tanawin.

'TAGA ISLA KA LANG': Andi Eigenmann, may bwelta sa mga namimintas sa nobyo Nagbigay ng kanyang reaksiyon ang aktres na…

Posted by Kapamilya Online World on Thursday, August 6, 2020

“At first (mahirap) because people will come to me, b@shing me. Walang taong pangit, ang pangit lang is ‘yung ugali,” – Philmar.

“I didn’t expect that, because of me, people would be saying bad or mean or negative things to Philmar, just because of his skin color and also because he’s from the province.

He said to me before when we we’re still dating, sabi niya, ‘People don’t like us to be together kasi taga-isla lang ako.’

He said that to me, oh my God! I said to him, ‘Taga-isla ka lang? Don’t ever say that that’s a ‘lang’ because to me, you guys are the richest people on earth, to be surrounded by such beauty, nature, and living in paradise like this.’ That’s why I feel so lucky,” – Andi.