Malaki ang naging epekto ng pandemya sa buhay ng bawat tao.

Kung dati ay mahirap na ang paghahanap ng trabaho, mas lalo pang humirap ngayon dahil sa pagkalugi ng mga negosyo at pagbabawas ng mga empleyado.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa din sumusuko ang mga Pilipino sa pagbabanat ng buto.

Kaniya kaniyang diskarte kung paano kumita ng pera ngunit isang nakaaantig na sitwasyon ang naengkwentro ng netizen na si Ruel Quinones.

Ayon sa kaniya, pagkakababa niya daw sa sinasakyang taxi ay dumeretso siya sa Mercury Drug ng Divisoria.

Batid niya na palaging may kumakanta roon na matandang lalaking may kapansanan sa kaniyang mata.

Kahit pa puro dilim ang nakikita nito, patuloy pa din siyang kumakanta ng mga Tagalog Songs para sa mga dumadaan.

Ngunit sa gabing iyon, ibang tinig ang narinig ni Ruel. Hindi ito ang karaniwang boses ng matanda ngunit isang napakagandang boses ng babae.

Napahinto si Ruel at nagdesisyong kuhanan ng video ang pangyayari.

Nang matapos ang pagkanta ng babae ay tinanong niya ito kung kaano- ano niya ang matandang lalaki. Ayon sa babae, hindi niya kilala ang matanda ngunit kumanta ito para sa kaniya.

“Wala ra sir. Gusto lang nako siya tabangan…”

Sa labis na pagkahanga ay dumukot ng 100 pesos si Ruel at inilagay sa kahon. Sa ganda ng boses ng babae, hiniritan pa ng mga manunuod ng isa pang awit ngunit hindi ganoon kasanay tumugtog ang matanda.

Gayun pa man, ipinagpatuloy pa din ng babae ang kaniyang pag- awit. Hindi napigilan ni Ruel na maghulog muli ng pera sa kahon.

Sa pangalawang pagkakataon ng pagtatanong ni Ruel ay napag- alaman niya na ang pangalan ng babae ay egine.

“La lang, I just feel like it’s worth sharing,” saad ni Ruel.

Ayon naman sa netizen na nagngangalang Adlin Remirez, si Regine Carpio daw ay aktibong miyembro sa music ministry ng Acdo Oasis of Love Community at isa ring pinagkakatiwalaang miyembro ng Alto’s in Singers for Christ Choir sa Metropolitan Cathedral.

Tunay ngang madami pa din ang mga taong may ginintuang puso na handang tumulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit.