Isang misteryo sa pagbubüntis ng 22 taong gulang ang nailahad sa social media matapos niyang idiin na ang kaniyang pagdadalang tao ay bunga ng pagligo sa pampublikong swimming pool.

Naging usap- usapan ang babaeng nakilala bilang si Joy. Hinala niya, ang sp3rm na pumasok sa kaniya ay galing sa tubig ng public swimming pool.

Ang kaniyang mga pahayag ay naihambing sa minsang naipalabas sa programa ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ilang buwan nang mapansin niyang hindi siya nagkakaroon ng buwanang dalaw na nag- udyok sa kaniya upang pagpatingin sa døktor.

Hindi isang sakit ang natagpuan sa kaniya kundi isang balitang hindi inaasahan nang sinabi ng døktor na siya ay büntis.

Labis ang kaniyang pagkagulat at pagtataka pagkat maski siya ay hindi niya alam kung paano nangyari iyon.

Bagaman mayroong nobyo si Joy, sinasabi niyang walang nangyaring pagtatalîk sa kanila kaya para sa kaniya, imposibleng siya ay mabüntis.

Ayon sa OB specialist, ang sp3rm ay imposibleng makatagal sa ilalim ng tubig lalo pa’t ang swimming pool ay may chlorine.

Ang pahayag ni Joy ay hindi kapani- paniwala dahil hindi siya maaaring magdalang tao kung walang seksuwal na interaksyon sa isang lalaki.

Ganoon din ang naging pahayag ng mga netizens na nakabasa ng kwento ng misteryosong pagbubüntis ni Joy.

Gayun pa man, noong ika- 22 ng Hunyo ay malusog na isinilang ang sanggol na si baby Sittie Hannah.