Usap-usapan noon sa social media ang nakakainspire na kwento ng buhay ng isang dalagang ito kung saan nakatira sila ng kanyang pamilya sa simpleng barong-barong lamang, sa kanilang labas ay nakasabit ang kanyang tarpaulin na nakasuot ng toga at may nakalagay dito na “Top2”.

Ang simpleng barong-barong nila ay ang kanilang naging tahanan habang siya ay nag-aaral pa sa kolehiyo.

Ang kanyang mga magulang ay isang mga mangingisda kung kaya naman ito ay nagpupursige na makatapos sa pag-aaral at hindi naman niya binigo ang kanyang mga magulang dahil nakamit niya ang kanyang pangarap na makatapos at ang isa pang nakakamangha ay nagawa niyang maging “TOP 2” sa Licensure Exam for Teacher (LET) noong siya ay nag board exam taong 2015.

Ilang taon na nga rin ang nakalipas , marahil ay mayroon ng pagbabago sa buhay ng dalaga at ng kanyang pamilya matapos siyang makapasa sa board exam.

At sa ika-25 taong kaarawan ng naturang dalaga na nakilalang si Iah Seraspi, masaya niyang ibinahagi sa social media sa kanyang Facebook account, kung ano na ang mga pagbabago sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya mula ng siyay makapag tapos at maging top 2 sa board exam.

Ilan sa mga nilalaman na ibinahaging post ni Iah sa kanyang facebook account, matapos daw ng siya ay maka graduate at mag top 2 Sa LET Board exam ay agad siyang nakatanggap ng mga “job offer”.

Ang trabaho ngang ito ay inalok sa kanya ng review center na kug saan nga siya nag-review noong mga panahon na siya ay kukuha pa lamang ng LET na ayon sa kanya ay malaki talaga ang naging tulong sa kanya.

Ikinuwento rin ni Iah, matapos siyang maging isang ganap na propesyonal na guro, ay marami na sa kanyang mga pangarap ay isa-isa ng natutupad.

Isa na nga umani dito ay ang pangarap niyang maipagawa ang kanilang bahay, upang maging kumportable siya at ang kanyang pamilya.

Makikita nga sa ibinahaging larawan ni Iah, na mula sa barong-barong noon na kanilang tinitirahan, ngayon ay isa na itong napakagandang bahay na may dalawang palapag.

Mas maaliwalas at malawak na rin itong tignan kumpara sa Barong-barong na kanyang kinalakihan.

Pahayag pa ng dalaga, kung saan daw nakatayo ang kanilang barong-barong noon ay doon rin daw nila ipinatayo mismo ang kanilang bagong bahay ngayon.

Dagdag pa ni Iah, tunay daw na malaki na talaga ang nagbago sa estado ng kanilang buhay mula ng siya’y makapasa sa board exam at maging top 2.

Dahil maliban sa naipaayos niya ang kanilang tahanan ay nagkaroon rin siya agad ng trabaho na siyang naging dahilan upang ngayon ay siya naman ang makatulong sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon ay nagtatrabago si Iah Seraspi sa Review Center na kanyang pinag review-han noon. Ito nga ay ang “Carl Balita Review Center” o CBRC.

Ang istroya ng buhay na ito ni Iah Seraspi ay isang inspirasyon para sa lahat ng estudyante, dahil sa kanyang pagiging matiyaga sa kabila ng kahirapan sa buhay ay nagawa niyang tuparin ang kanyang pangarap na matapos ang kanyang pag-aaral at maging isang ganap na propesyonal na guro at ang pinakamahalaga ay ang mabigyan ng kumportableng buhay ang kanyang mga magulang.