Marami na ang mga kaso ng pandaraya partikular sa pag- order at pagkansela nito o mga hindi nagpapakitang customers na kung saan ang mga riders na nagdedeliver ay ang mga nabibiktima.

Sa kabila ng tumataas na bilang ng mga krimen hinggil sa kanila, may mga tao pa rin na nagpapatuloy sa trabahong ito dahil ang kanilang serbisyo ay binabayaran din naman na siya ding tutustos sa kanilang sariling pangangailangan.

Nakalulungkot na mayroon pa ring mga taong pipiliing mambiktima ng mga delivery rider na ito para sa kanilang pansariling pakinabang, tulad ng nangyari sa kawawang delivery rider na ito na ninakawan ng mga magnanåkaw.

Ayon sa World of Buzz, dalawang magnanåkaw sa Karachi, Pakistan ang sumubok na nakawan ang isang rider na maghahatid ng pagkain.

Ngunit, hindi na nila tinuloy ang kanilang unang intensyon dahil ang rider ay humagulgol habang pinipilit silang ibalik ang mga item na dapat nanakawin.

Sa isang video na na-upload ng The Express Tribune (@etribune) sa pamamagitan ng kanilang Twitter account, ang dalawang magnanåkaw na kapwa nakasuot ng puting shirt ay nakasakay sa kanilang motorsiklo habang pilit na kinuha ang mga item ng rider.

Ngunit, bago pa man sila makatakas mula sa pinangyarihan, ang desperadong lalaki ay gumawa ng isang desperadong hakbang upang pigilan sila – iyon ay sa pamamagitan ng sobrang pag-iyak.

Kaya’t kaagad na ibinalik ng mga magnanåkaw ang mga aytem na kinuha nila bukod pa doob ay niyakap ang rider, kinamayan, at tinapik pa ang balikat bilang paraan ng pag- comfort sa kanya.

Makikita pa na ang rider ay nagpunas ng luha niya habang ginagawa ng mga magnanåkaw ang lahat upang kumalma siya.

Ang mga magnanåkaw ay maaaring nakaramdam ng konsensya sa pagkakasala matapos mapagtanto na ang kanilang ginagawa ay maaaring makaapekto sa buhay ng rider.