Ang buhay ng tao ay hindi natin alam kung hanggang kailan, kaya naman habang tayo ay nabubuhay gawin nanatin ang gusto natin.

Katulad na lamang ng isang kwento na ito, Ayon sa nagsalaysay ng kwento na si Brandon Jones nasa final stage na raw ng lung cåncer ang kanyang Mother-in-law at ayaw na raw nitong magpagamot.

Ang tanging ninanais na lamang daw nito ay makasamay ang kanyang pamilya st mga kaibigan sa mga natitira niyang araw.

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Brandon, sa paglipas daw ng taon ay labis daw nagustuhan ng kanyang mother-in-law ang tempura broccoli dish mula sa Ekiben restaurant sa Fells Point, Maryland.

Inalala nga ni Brandon at ng kanyang asawa na si Rina na kung paano na humaling ang kanilang Ina sa nasabing pagkain.

Ani nga raw ng kanilang Ina;
“When I’m on my déath bed, I want to have that broccoli”.

Kaya naman hindi raw nagdalawang isip pa si Brandon, agad daw niyang in-email ang may ari ng Ekiben na sina Steven Chu at Ephrem Abebe tungkol sa kahilingan ng kanilang Ina.

Ayon naman sa isang may ari na si Chu, Silang dalawa raw mismo ni Abebe ang gagawa ng nasabing dish. Muli rin nag email si Brandon sa dalawang resto owners at sinabjng malayo ang kanilang lugar mula sa Maryland.

“You do know that this is Vermont we’re talking about, right” aniya ni Brandon.

Agad naman itong sinagot ni Chu na:

“No problem. You tell us the date, time and location and we’ll be there”

Gamit ang isang truck, sina Chu, Abebe at ang kasamahan pa nilang isa na si Joe Añonuevo ay nagtungo sa distanasyon ila Brandon at Rina.

Dalawang Resto Owners, Bumiyahe ng halos 500 milya para tuparin ang “Huling Hiling” ng kanilang isang Customer.Inabot raw sila ng anim na oras at halos 500 milya bago makarating sa kanilang number 1 fan. Dito mismo nila sinet-up ang fryer para magawa ang naturang dish at para na rin daw surpresahin ang Ginang.

Saad ni Rina: “My mom kept saying, I don’t understand – you drove all the way up here to cook for me? She was so happy and touched to have that broccoli. She couldn’t believe it.”

Pagkukwento pa nina Rina at Brandon, Sinulit raw ng kanilang Ina ang bawat pag nguya sa Broccoli at labis naman ang kanilang pag iyak sa tuwa dahil sa ginawang kabutihan ng Ebiken Crew. Pahayag pa ng anak ng ginang.

“My mon cried later about their generosity and so did I. It’s something we’ll never forget – I’ll carry that positive memory with me, always”. -Pahayag ni Rina anak ng Ginang na may sakit.

Para naman sa owner ng resto na si Chu:
“To me, it was a huge honor to be able to help fulfill the family’s wishes. This is about her, not us. There was a lot of good, positive energy in doing this.”

Dahil sa pangyayaring ito ibat ibang reaksyon ang nanggaling sa mga netizen, ang iba ay nagbibigay ng paghanga sa ginawa ng dalawang resto owners sa ginawang kabutihan nito sa Ginang at ang iba naman ay nagdadasal na sana raw ay humaba pa ang buhay ng Ginang at Magtiwala lamang ito sa Poong Maykapal.