Ang mga tao ay may likas na talento. Maaaring ang iba ay hindi pa ito nadidiskubre o kaya man ay tinatago lang sa karamihan.

Samantala, tunay na nangingibabaw ang mga taong may kakaiba at natatanging talento.

Kapa gang isang tao ay biniyayaan ng talento, nararapat lamang na atin itong palinangin at pagyamanin. Ibahagi hanggat maaari.

Isa itong kayamanan na hindi mananakaw o makukuha ng iba ngunit kung hindi natin ito pahahalagahan ay maari itong mawala.

Ang talento ay hindi lamang sa pag sayaw, pag kanta, pag tugtog o patula.

Sa katunayan, pinabilib ng Grade 8 na estudyanteng babae mula Nepal dahil sa kaniyang napakagandang sulat- kamay.

Sa paglipas ng panahon, unti- unti na nga namang kumukupas ang sulat kamay dahil napapalitan na ito ng modernong teknolohiya na kung saan pindot lamang ang kailangan upang makagawa ng sanaysay, pangungusap o maski iisang salita.

Inilahad ng Twitter User na si Dr. Kirstin Ferguson ang larawan ng sulat- kamay mismo ng estudyanteng babae na nakilala bilang si Prakriti Malla na binansagang may pinakamagandang sulat kamay sa buong mundo.

Sa unang tingin ay aakalain mong ito ay itinype gamit ang modernong teknolohiya dahil sa linis, ganda at pagkakapantay- pantay nito ngunit ang totoo, ito ay ang natural na sulat- kamay ni Malla at dahil dito, naging tanyag siya.