Marahil marami sa atin ang nakakakilala sa batikang aktor na si Johnlloyd Cruz, Isa lang naman siya sa pinaka sikat at pinakamagaling na artista sa bansa.

Kaya naman marami ang nagulat ng nadeklara ang aktor na siya ay magbe-break muna sa showbiz Industry noong 2017.

Ngunit ngayong 2021 magbabalik na muli sa showbiz si Lloydie at kung noon na naging kontrobersyal ang kanyang pag-alis sa showbiz ay ganoon rin ka kontrobersyal ang kanyang pagbabalik.

Sa katunayan nga ay maraming proyekto ang nakapila at nakalista kay Lloydie.

Samantala, nagkalat naman sa social media ang mga larawan ni JohnLloyd na nakasay sa isang jeepney.

Ngunit tila may napansin ang mga netizen na may kakaiba raw sa larawan na ito ni Lloydie. Makikita daw kasi na mayroon itong mga pasa sa buong katawan at maging sa ulo nito.

Agad-agad naman nagreact ang mga tao sa nasabing larawan ng aktor at ang halos lahat ay agad nagtanong kung ano ang kalagayan ngayon ni Lloydie sa totoong buhay.

Lalo na raw ngayon at bihira na lamang ito makita ng publiko.

Subalit nasagot ang mga katanungan ng marami, Ang totoo pala ay nasa kalagitnaan ng taping si John Lloyd ng nakuhanan siya sa nasabing larawan.

Ito daw ay para sa kanyang comeback movie project na may titulong “Servado Magdamag” isang Lav adaption na short story ni Ricky Lee.

Ayon din kay John Lloyd labis ang ginawa niya ritong paghahanda para mabigyan ng justice ang role na ito. Ang movie din daw na ito ay nagbigay sa kanya ng bagong commitment at challenges sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

At iyon naman pala ang dahilan kung bakit ganon na lang ang itsura ng katawan ni Johnlloyd sa nasabing larawan na kumakalat sa social media.

Kaya naman para sa maraming fans na nababahala ay maaari na tayong makahinga ng maluwag dahil okay na okay ang kalagayan ng ating idolong si Lloydie.

Kaya naman tiyak na aabangan ng maramig fans ni Lloydie ang kanyang comeback movie na ito. Dahil ang larawan na kumakalat sa social media ay lalong nagbigay ng pagkasabik sa mga manood at lalong naging interesante ang comeback movie nanito ni Lloydie.

Para naman sa kadagdagang update para sa mga taga hanga ng aktor, ngayon ay nasa lock-in taping si Johnlloyd sa Sorsogon.