Sa buhay ng isang tao, imposibleng ni minsan ay hindi ito nakaranas na mamalikmata sa mga nanakita.

Maaaring kamukha ng tao at iba pang mga hindi maipaliwanag na elemento. Sa ilang segundo ay mapapaisip ka at magtataka kung tunay ba ang iyong nakita o guni- guni mo lang talaga.

Kagaya na lamang ng namataang lumulutang na barko sa Banff, Aberdeenshire na nakuhanan ng video na ini- upload sa internet ni Colin McCallum.

Siya ay nagtatrabaho bilang isang “health and safety worker” sa Turriff, Aberdeenshire. Kapansin- pansing tila ito ay nasa pagitan ng kalangitan at karagatan kaya inobserbahan niya itong mabuti at tinitigan ang paligid.

Napagtanto niya na ito ay isang ilusyon na kung saan nahaharangan lamang ng ulap ang barko kaya naging ganoon ang hitsura sa malayo.

Ayon sa kaniyang caption, “Saw a real-life optical illusion in Banff today.”

“When I first saw the boat, I had to do a double-take because I genuinely thought it was floating. Upon further inspection, however, I noticed that it was in fact just a remarkable optical illusion.”

“It was caused by a cloud formation closer to the shore which changed the colour of the water closer to the land.

The boat, being further away, was in a cloudless area and therefore the sky reflected the sea – making it look like the boat was floating.”