Napakasakit sa isang babae ang biguin ng lalaking gusto niyang makasama sa buhay at siya ay atrasan at takbuhan sa kanila mismong kasal.

Ngunit sa kabilang banda kung ganito na nga lang ang ugali ng lalaki at hindi marunong tumupad sa pangako ay mas mabuti na ngang hindi siya nagpatali sa mga ganitong klaseng lalaki.

Katulad na lamang ng naging problema ng bride na ito matapos siyang biguin ng kanyang lalaking iniibig.

Lumapit ang bride na nakilalang si Mary Grace Dollente sa sikat na programa ngayon sa bansa na kilalang takbuhan ng mga taong na-agrabyado ito ay ang programa ni Sir Raffy Tulfo.

Walang tigil ang pag-iyak ng bride-to-be sana na si Mary Grace nang ito ay dumulog sa “Wanted sa Radyo” ni Raffy Tulfo.

Humingi ng tulong si Mary Grace dahil bigla na lamang daw umatras ang kanyang groom to be na si Lendo Romero isang araw bago ang kanilang kasal.

 

Kwento ni Mary Grace, Handang-handa na daw ang lahat para sa kanilang kasal. Nakapag sukat na rin sila ng kanilang mga susuotin tulad na lang ng kanyang Wedding gown. Maging ang mga invitation letter ay handa na rin.

Maging ang kani-kanilang kamag-anak ay nasabihan na rin na dumalo sa pinaka mahalagang araw sa kanila. Ngunit ang lahst ng ito ay hindi nangyari dahil sa ginawa ng kanyang “Groom to be”.

Nagpaliwanag naman ang nasabing Lalaki, di umano hindi na raw niya masîkmüra ang ugali ng kanyang mapapangasawa sana na si Mary Grace.

Dagdag pa ng Groom to be sana na si Lendo, nasasåkål na daw siya sa sobrang selosa ni Mary Grace.

Samantala, Dito inilabas ni Mary Grace ang lahat ng dahilan kung bakit daw siguro umatras ang kanyang kasintahan, di umano ay mayroon daw itong ibang babae na umabot pa nga daw na inuuwe ni Lendo ang kanyang babae sa kanilang bahay.

Kaya naman iyon daw ang dahilan kung bakit ganoon nalamang ang paghihigpit at pagseselos ni Mary Grace sa kanyang kasintahan.

Dahil sa pangyayari, iminungkahu ni Atty. Garen Tungol abugado ng programa.

Maari lamang daw kasuhan ni Mary Grace ang dating nobyo kung si Mary Grace daw ay nakararanas o dumaranas ng matinding depresyon dahil sa ginawang pag atras ni Lendo sa kasal.

Agad-agad naman nag bigay ng tulong ang naturang host ng programa na si Raffy Tulfo, sinagot nito ang pagpapasuri ni Mary Grace sa espesyalista.

Ayon naman kay Mary Grace muntik na raw siyang humantong sa pagsuicide dahil sa sama ng loob sa ginawa sa kanya ng dating nobyo.

Narito sa baba ang kabuuang Video at paghaharap ng dating magkasintahan.