Sa panahon ngayon na lahat ay nahihirapan dulot ng pandemya ay parami ng parami ang mga taong kumakapit sa patalim at gumagawa ng masama sa kanilang kapwa.

Ang mga kawatan ngayon ay wala ng pinipiling oras o taong kanilang lolokohin. Kung minsan nga ay kahit sino ka pa o kahit ano pa ang estado mo sa buhay ay maaari ka nilang maging biktima.

Madalas nga tayong makarinig ng balita na kung sino may yung may edad ay sila pang mga pinupuntirya ng mga kawatan at manlolokong tao.

Katulad na lamang sa nangyari sa isang matandang tindera ng kakanin, kung daan ay nagawa siyang isahan at lokohin ng isang customer na bumili sa kanyang paninda.

Habang nagtitinda daw ng paninda ang matanda na nakilalang si “Nanay Liza” mula sa Cainta, Rizal, hindi niya sukat akalain na peke ang 500 pesos na ipinangbayad sa kanyang naging customer.

Pagkukwento ni Nanay Liza, natatandaan daw niya na halagang 80pesos ang binili sa kanya ng isang babae.

Kaya sa madaling salita ay nagkaroon pa ito ng 420 pesos matapos lokohin si Nanay Liza.

Narito naman ang isang Post ng concerned netizen tungkol sa nangyari kay Nanay Liza.

“Hindi ka na naawa sa matanda! Binayaran mo ng pekeng Php500. Halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya.

Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin, nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera!”

Dahil naman sa nangyari kay Nanay ay maraming netizen na nalungkot at nahabag sa ginawang panloloko kay Nanay Liza na naghahanap buhay ng parehas sa kabila ng kanyang edad.

Mabuti na lang ay naisipan ni Mylyn isang mabuting citizen na nagmagandang loob na ibahagi ang nangyari kay Nanay Liza.

Sa naturang post naman ni Mylyn ay kanyang nilagay ang contact number at address ni Nanay Liza para mabilis itong mahanap. Ang naturang post naman ni Mylyn ay agad nagviral sa social media.

Samantala, matapos naman maging viral ni Nanay Liza sa socmed ay agad dumagsa ang tumulong sa kanya, dahilan upang mabilis nitong mabawi ang pera na nawala sa kanya.

Bukod pa rito ay labis pa na halaga ang kanyang natanggap kaysa sa nawala sa kanya.

Minsan talaga ay may pangyayari na may bagay na mawawala sa atin ngunit mayroon naman magandang kapalit o kung minsan nga ay higit pa.

Katulad na lang sa naging karanasan ni Nanay Liza. Sa kabila ng maraming manloloko sa mundong ibabaw ay hindi naman padadaig ang bilang ng mabubuting tao kagaya ng mga taong tumulong kay Nanay Liza.