Dahil sa pagdaan ng maraming taon patuloy na umuunlad ang modernong teknolohiya na malaki ang naitutulong sa atin, tulad na lamang na napapadali ang pagkakaron ng komyunikasyon ng bawat isa kahit ba ito ay magkalayo.

Mayroon kasing mga social media sites na maaaring gamitin at may malaking tulong upang mapabilis ang komyunikasyon.

Ngunit ang paggamit nito ay may dalawang kaakibat na resulta ang isa ay magandang dulot at ang isa ay masamang dulot.

Ang ilan kasi sa mga gumagamit ng makabagong teknolohiya na ito ay dito nag kakaroon ng nga kasintahan at nakakahanp ng kanilang partner in life dahil sa mga social media apps.

Mayroon din mga application na maaring mag edit ng mga larawan at dito pwede mong pagandahin ang iyong larawan o kaya naman ay baguhin ang iyong itsura at katawan na iyong nanaisin.

Subalit, ang paggamit ng application na ito na pampaganda at pampaseksi ay naging masama ang resulta sa isang babae na usap-usapan ngayon sa social media.

Ayon kasi sa lumabas na balita sa social media, Binugbog umano ng isang lalaki ang naturang babae na kasintahan umano nito ng magkita ang dalawa sa personal. Ang dalawa ay naging magkasintahan lamang online.

Inakala kasi ng Lalaki na mala-Diyosa ang itsura ng kanyang Girlfriend dahil sa mga larawan nito sa social media.

Ang dalawang magkasintahan ay parehas chinese national, nakilala ang dalawa na sjna Huang at Xiaojin mga hindi tunay nilang pangalan.

Si Xiaojin ay may bilugang mata at flawless na balat, mayroon din itong magandang katawan at magandang buhok.

Kaya naman agad na-inlove ang si Huang ng makita niya ang magagandang larawan ni Xiaojin sa online apps na “WeChat”, Isang chinese social media application.

Agad naman napagdesisyunan ni Huang na makipagkita sa personal kay Xiaojin, kaya agad itong bumiyahe at gumastos ng malaking halagang pera upang sila ay magkita at makasama ang kasintahan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagbago ang lahat nang sila ay magkita sa personal, Hindi makapaniwala si Huang sa kanyang nakita.

Ang hinala niya ay isang poser user ang nagpakilalang Xiaojin sa kanya dahil ibang-iba daw ang itsura nito sa personal.

Pahayag umani ni Huang, sa mga larawan daw ni Xiaojin sa social media ay makikita ang flawless at maganda nitong balat. Ngunit sa personal daw ay may mga butas ang mukha nito.

Ang katawan rin daw nito sa personal ay mataba at singkit ang mga mata. Samantalang ang kanyang kasintahan daw online ay sexy at biluga ang mga mata.

Ipinaliwanag naman ni Xiaojin ang lahat kay Huang, sinabi nito na siya ang kasintahan nito at inamin niya na may filter at edited ang kanyang mga larawan.

Dagdag pa ni Xiaojin, dapat daw ay hindi nagbago ang tingin sa kanya ni Huang at dapat ay mahalin din daw siya dahil siya at ang babaeng nakilala online ay iisa.

Sinabi rin niya na hindi daw siya gumamit ng make-up sa kanilang pagkikita upang ipakita ang totoong itsura niya at ang totoo niyang pagkatao.

Subalit hindi pinakinggan ni Huang ang paliwanag ni Xiaojin, sa kanyang galit ay nabugbog niya ang kanyang kasintahan sa harap ng publiko. Kinailangan naman agad dalhin sa ospital si Xiaojin dahil sa natamo nitong mga sugat.

Wala naman daw pinagsisihan si Huang sa kanyang ginawa ayon sa kanya ay parang naloko siya. Naging maayos din naman ang dalawa matapos magkaroon ng settlement ng sila ay dalhil parehas sa police station.

At pagkatapos magkaayos ay agad nalang umuwi si Huang, Bago umalis sa presinto ay ipinangako ni Huang na hinding hindi na siya makikipag relasyon sa kahit anomang social media sites.