Sa kabila ng hirap ng buhay ngayon maymga tao pa rin na nakakapagbigay tulong pinansyal sa kanyang mga magulang o kapamilya.

Katulad na lamang ng isang magsasaka na talagang labis ang kasiyahan matapos makatanggap ng malaking regalo at biyaya mula sa kanyang kapamilya.

Ang sinasabing magsasaka ay nakilala na si Larry Longboy mula sa Dingras, Ilocos Norte. Laking gulat ni Tatay Larry nang may magdeliver sa kanya ng isang napakalaking bouquet na naglalaman ng sandamakmak na pera.

Idineliver daw ito sa kanya sa mismong kaarawan, ayon naman kay Tatay Larry ito palang surpresa sa kanya ay mula sa kanyang kapamilya na nasa ibang bansa.

Dahil sa labis na kasiyahan ni Tatay Larry, Ibinahagi ng Facebook page na BBs Sweet ang mga larawang ito.

Ang naturang BBs Sweet ang ginamit ng kapamilya ni Tatay Larry na nasa abroad upang maibigay ang kanyang regalo.

Sikat kasi ang BBs sweet sa ibang bansa na naghahanda ng mga suprise gift sa anumang selebrasyon.

Upang mas maging kakaiba ang regalo at talagang masusuprise si Tatay Larry, imbis na pang karaniwang bulaklak ang nilagay sa bouquet ay ginawa ito ng kanyang kapamilya na pera na nagkakahalaga ng Php200,000.

Labis labis naman ang kasiyahan ni Tatay Larry dahil sa kanyang natanggap na biyaya sa kanyang kaarawan.

At para naman kay Tatay Larry, para daw mapakinabangan ang kanyang natanggap na pera ay kanya itong ibinili ng bagong traktora upang mas mapabilis na ang kanyang pagtatrabaho.

Ang isa naman sa mga kamag-anak ni Tatay Larry na nasa abroad ay nagpapasalamat sa BBs Sweet dahil sa successful surprise na ginawa kay Tatay Larry.

Nagbigay naman ng update ang BBs sweet na ang pera na natanggap ni Tatay Larry ay naibili na nito ng bagong traktora.

Narito naman ang naturang post ng BBs Sweet ukol sa surprise gift nito kay Tatay Larry.

“Isang magsasaka sa Dingras Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw ganun narin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad na bigyan siya ng regalo at eto ang bumili ng sasakyang pang bukid (tractor).

Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay tatay Larry.”

“Ang kabutihan ng isang tao ay may magandang epekto sa iba. Makikita sa gawa ang magandang katangiang ito.

Hindi matutumbasan nga talaga ng anumang HALAGA ang SAKRIPISYONG iyong ibinuhos para sa iyong pamilya, kaibigan o sa ibang tao.

Darating ang araw na BLESSING din ang igagawad sa kabutihang iyong pinamalas tatay Larry!”

Bumuhos naman ang reaksyon ng mga netizens, ang iba nga ay talagang napapa-“sana all” nalang at halos lahat din sila ay humahanga kay Tatay Larry, dahil mas naisip daw agad ni Tatay Larry na gamitin ang natanggap na pera sa bagay na makakatulong sa kanya upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya.

At para naman sa mga kamag-anak ni Tatay Larry saludo rin ang mga netizens dahil sa malaking tulong na ibinigay nito sa kanilang kamag-anak na si Tatay Larry.