Marahil marami tayong nakikitang mga tao na pagala-gala sa lansangan ang iba pa nga ay mismong sa lansangan na nakatira kung tawagin nga sila ay pulubi.

Ang iba nga sa kanila ay namimilit manghingi at nagmamakaawa pero hindi naman lahat ng pulubi ay ganon ang gawain.

Tulad na lamang ng isang Pulubi na ito na kahit minsa`y hindi namimilit, hindi rin nagsasalita at hindi nagmamakaawa para lang mabigyan.

Siya ay si Fatima Othman sa tuwing may dumaraan sa kaniyang harapan ay kanya lamang itong tnitignan at makikita mo sa kanyang mata na puno ng kalungkutan.

Sa pamilya ni Fatima sila ay may bilang na walong miyembro sa pamilya, pero kahit isa sa kaniyang kamag-anakan ay walang nakakaalam tungkol sa pera niya ng kanyang naipon kaya walang magtatangka sa kanyang buhay at walang magsasamantala.

Kaya naman ng matagpuan ang labi ni Fatima Othman sa isang disabled street beggar sa isang lugar kung saan maraming abandonadong sasakyan sa Barbir district sa Beirut ay inisip ng mga imbestigador na ito ay isang trah├ędya lamang sa lugar kung saan ang siyudad na ito ay tinagurian “poor and homeless”.

Ngunit laking gulat ng mga internal security forces ng makita nila ang labi ni Fatima na may hawak itong 5 million lebanese pounds o ($3,400) at ang mas lalong ikinagulat ng mga awtoridad ay ng makita nila ang isang deposit book niya sa bangko na malapit sa kinaroroonan nila na mayroon itong savings na nagkakahalagang $1 million.

Ayon naman sa Brig. Gen. Joseph Musallen, direktor ng Internal Security Forces public relations division na inilabas ng Arab News na namatay ang 52-anyos na si Fatima Othman dahil sa h3art att@ck.

“Finding the money and the savings book was a big surprise”, sambi ni Gen. Musallen.

Para naman sa kanila ay isang “well-known-figure” sa Barbir district si Fatima, dahil ang litrato kasi ng nasabing street beggar ay umani ng maraming atensyon matapos siyang tulungan ng isang sundalong lebanese na naka duty malapit sa ospital doon.

Tinulugan si Fatima ng sundalong uminom ng tubig dahil nga si Fatima ay hindi masyadong maigalaw ang paa at kamay.

Matapos nga daw ng pangyayaring yon ay pinuri pa nga ang sundalong tumulong kay Fatima ng kanilang army commander sa ginawa nitong “compassion and humanity”

Ayon pa sa ibang nakakakita ay Fatima hindi raw ito nagsasalita o nagmamakaawa bagkus tinitignan niya lamang ang mga dumadaang gamit ang kanyang mata na kita sa mga ito ang kanyang kalungkutan.

Kwento naman ng isang taga roon na sa tuwing siya ay papasok ay nakikita daw niya si Fatima at nang tumagal raw ay sa tuwing makikita siya nito ay tinatanguan niya na ito at sa tuwing kakamustahin niya ito ang tanging isasagot lang ni Fatima ay “Alhamdulilah” na ang ibig sabihin ay “Praise be to God”.

At matapos nga na makita ang katawan ni Fatima na walang buhay ng mga Security Forces ay napag-alaman din nila na ito ay galing sa bayan ng Ain Al-Zahab sa Akkar sa hilagang lugar sa Lebanon.

Hinanap daw ng mga awtoridad ang mga kamag-anak ni Fatima at dito kinuha ng kanyang mga kamag-anak ang labi ng matandang si Fatima.

Wala naman kaalam-alam talaga ang kanyang pamilysa tungkol sa pera ni Fatima kaya naman ito ang patunay daw na “That nobody was exploiting Othman by forcing her to beg”,

Matapos ang lahat ng ito ay hindi man lang na enjoy ni Fatima ang kanyang pera dahil nga takot siya malaman ng iba na siya ay may pera at maging mitsa nga kanyang buhay.

Namatay daw si Fatima na “without enjoying the benefits of people`s compassion”.