Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Aga Ambita ito ay ang tungkol sa naging usapan ng isang isaw vendor at ng isa pang netizen.

Di umano ay naikwento ng vendor sa isang lalaki na nakakaranas siya ng panlalait sa kanyang mga kapit-bahay, ngunit para sa vendor ay hindi niya ito iintindihan at imbis na damdamin ang panlalait ay mas lalo pa siyang na-challenge dito.

“Sabi ko sa sarili ko na-challenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi naman nila ako pinapalamon”. -Pahayag ng vendor.

Hindi rin daw nakatiis ang concerned netizen na si Aga kaya naman ito ay sumabat daw sa usapan ng naturang vendor ng lalaking kapitbahay nito.

“Alamo mo ba kuya (vendor) , malaki pa kinikita mo kumpara sa karamihan na naka kurbata at maporma sa Makati, Tapos wala ka pa 5 hrs na nagtitinda. Wala kapa boss at hawak mo pa oras mo” -Saad ni Aga.

Basahin sa baba ang kabuuang Facebook post ni Aga.

“Si kuya na naka black sando nakakatuwa sya.
Una napabili ako sa kanya kasi nakita ko na binigyan nya ng pagkain ung mag-inang pulubi.

Tapos mayamaya naglabas sya ng pera mga tig 500 at makapal na tig 100 pesos at ibang bills. binibilang nya ung kinita nya. Nagtanong yung isang lalake.

Lalake : brad yan na kinita mo?

Kuya : oo sir. Hiwalay ko na lang tubo.

Lalake : magkano yung sayo Jan?

Hiniwalay ni kuya puhunan nya mga 3k ata yun

Kuya : sir ito po mga 2.4k nag simula lang ako ng tanghali.

Lalake : (nanlaki ang mata)

Kuya – pambili ko po ng NMAX pinagtatawanan ako ng mga kapitbahay namin nagtitinda lang daw ako tapos bibili ako ng motor.

Sabi ko sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon.

Me – alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng naka kurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo.

Kuya : na inspired lang po ako sa kanya” (sabay turo dun sa katabi nyang kwek kwek vendor). “Meron na sya kotse at madaming motor yan lang ang negosyo nya.”

Me: sinawsaw ko ung fried isaw sabay subo. yum yum.


Nice kuya.

Wala lang baka lang mapaisip kayo.
Profit is better than wages.

Tunay na nakakahanga si Kuya Vendor dahil sa kanyang pagsisikap, hindi niya inalintana ang hirap at ang panlalait na kanyang nararanasan, dahil ang mahalaga sa kanya ay matupad niya ang kanyang mga pangarap sa malinis na paraan.

At saludo kami sayo Kuya Vendor dahil isa kayo sa mga nagpapasaya sa amin at kumumpleto sa aming pagkabata, dahil isa sa mga karanasan na hindi malilimutan ng mga kabataan ay ang kumain ng streetfoods kasama ang mga ka eskwela at mga kaibigan.

Source: WeArePinoy