Isa ang Japan sa mga bansang pinapangarap puntahan ng kahit na sino sa buong mundo dahil sa angking ganda ng mga halaman at tanawin dito.

Isa pa sa kanilang ipinagmamalaki ay ang kanilang matibay na kultura na hindi mabura bura sa pamumuhay ng bawat henerasyon.

Hindi din biro ang perang kakailanganin mo upang mapunta at makapamasyal dito kaya naman kinakailangan mong mamili ng mga murang matutuluyan sa iyong pamamalagi doon.

Kaniya- kaniya naman ding kompitensyahan ang nagaganap sa mga hotels dahil na nga sa walang hinting pagdayo ng mga tao sa Japan.

Sa isla ng Kyushu sa syudad ng Fukouka ay mayroong matatagpuang hotel na kung saan talagang bagsak presyo ang kada gabi nito.

Tinatayang humigit kumulang P80 lang ito sa atin pagkat ang presyo nito ay $1.60 per night. Ito ay ang tinatawag na Ryokan Asahi Hotel kaya naman sikat na sikat ito sa mga turistang sapat lang ang budget.

Syempre, naroon ang mga kondisyon at dahilan kung bakit ng aba mura ang singil.

Susubukan mo pa ba ito kung malalaman mong mayroong live camera sa loob ng kwarto at lahat ng gawin mo mula pag gising at pagtulog ay makikita sa kanilang Youtube Channel at mapapanood ng maraming netizens?


Isang kwarto lamang nila ito pinapatupad at iyon ay ang Room no. 8 na kung saan hindi madalas mapili ng mga turista kaya naman naisipan nila ang kakaibang paraan.

Aprobado naman ang nasabing pakulo ng hotel pagkat mayroon silang patakaran na bawal ang malal@swang gawain at wala din namang camera sa loob ng comfort room kaya naman ligtas na maligo dito at magpalit ng damit.


Mayroon ding pinapapirmahang Accomodation Pledge para sa mga nagtatangkang gumamit ng kwartong ito na kung saan nakapaloob ang mga patakaran at mga paalala upang maprotektahan pa din ang mga personal na impormasyon ng mga ito.

Ipinaalala din na walang responsibilidad ang naturang hotel kung sakali mang may nilabag sila sa kanilang mga patakaran at nahagip ng camera ang kanilang mga ginagawa.