Dahil sa hirap ng buhay marami ang sa atin ang kumakapit sa patalim at gumagawa ng kasamaan sa kanilang kapwa.

Kung minsan nga ay wala ng pinipili ang nga kawatan kahit mahirap ay kanilang pinupuntirya na hindi nila iniisip na nagdudulot ito ng mas mahirap na sitwasyon sa mga tao na kanilang ginagawaan ng bagay na hindi maganda.

Katulad na lang sa kinahinatnatan ng buhay ng isang sidecar driver.

Isang kahabag-habag na pangyayari ang nangyari sa kanya dahilan para siya ay madismaya at mawalan ng pag-asa dahil ang kanyang tanging ginagamit sa kabuhayan at nagsisilbing tirahan na isang sidecar ay ninakaw ng kawatan.

Isang concerned netizen na nagngangalang Angelita Florez ang nagbahagi sa social media kung paano siya naawa sa sinapit ng kaawa-awang sidecar driver na kanyang nakita,

dahil sa pagkanakaw ng sidecar ng lalaki ay wala na itong matitirhan dahil wala na daw itong pamilya o kamag-anak sa Maynila na pwede nitong tuluyan.

Ayon sa ibinahaging pangyayari, Ang kaawa-awang lalaki ay nakilala bilang si Arman, Labis daw ang kanyang pagkadismaya at dahil daw sa pangyayari ay wala na siyang matitirahan.

Ang ninakaw sa kanyang sidecar ay kanyang ginagamit sa hanapbuhay at kanyang tinutulugan dahil daw dito tanging sa kalyae na lamang siya matutulog at maninirahan.

Dagdag pa ng concerned netizen na si Angelita, Mismong si Arman ang nagkwenyo sa kanya na kamakailan ay nanakawan ito ng sidecar.

Kung saan ito nga ang ginagamit niya umano sa paghahanapbuhay at nagsisilbi rin niyang bahay. At dahil nga daw sa pangyayare sa kalye na lang siya natutulog kung saan ay napakalamig ng semento dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit si Arman, madalas daw kasing nanakit ang kanyang katawan at nahihirapan sa pagtayo.

Ilan sa mga nararamdaman ni Arman na sakit ay ang sobrang pananakit daw ng kanyang balakang, may sugat din siya sa bandang leeg na makikitang namamaga idagdag pa ang nararamdamang lagnat ni Arman kung saan ay nanginginig pa ito.

Dahil sa pagkahabag ni Angelita sa kaawa-awang lalaki, humingi siya ng tulong sa mga taong may mabubuting kalooban para matulungan ipagamot si Arman at mahanap ang sidecar na ninakaw sa kanya.

“Kung meron po kayo mga damit na hindi na ginagamit pwede n’yo po i-donate kay Kuya Arman. Wala po kasi siyang masuot kundi yung binigay lang namin sa kanya” -Pahayag ni Angelita.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga si Arman ng DSWD para ito ay ipagamot, Marami naman ang mga netizen na nagbahagi ng post ni Angelita sa social media tungkol sa kalagayan ni Kuya Arman.

Umaasa naman ang maraming netizen marami sanang tumulong kay Kuya Arman para maibalik ang side car nito.