Hindi na bago sa Pilipinas ang makatagpo ng mga palaboy at pulubing natutulog sa daan dala ng matinding gutom at hirap.

Isa sa mga dahilan ay kakulangan sa pinansyal na pangangailangan at kawalan ng tirahan.

Madalas ang kanilang ginagawa ay mamalimos at manghingi ng tulong sa mga dumadaan dito.

Samantala, nabagabag ang netizen na si Lehcar Baluyut at ang kaniyang pamangkin nang makita ang isang dayuhan na natutulog sa lansangan.

Ayon sa kaniya, inakala daw nila na ito ay ang karaniwang matandang natutulog sa tabing daan ngunit nang kanilang balikan ay nakumpirma nilang ito ay isang Canadian.

Nakilala ang lalaki bilang si David Allie mula bansang Canada.

Natagpuan nila ito sa may Sameera bandang 7:30 ng gabi noong Marso 17. Inireport naman nila agad ito sa barangay upang matulungan.

Hindi naman nailahad ng netizen kung bakit ganoon ang naging sitwasyon ng dayuhan. Pero ayon sa ibang residente ay iniwan daw diumano ito ng kinakasamang Pinay.

Ginamit niya ang kaniyang plataporma sa social media upang maparating sa pamilya ng nasabing dayuhan ang kaniyang sitwasyon dito sa Pilipinas.

Narito ang kaniyang post

Gud evening po humihingi po sana ako ng tulong kahit simpleng share po. Para po kay MR. David Allie he said his from Canada po palaboy laboy po sya dito sa brgy. Sapalibutad po.

Nakita po namin sya around 7:30 pm po malapit po sa Sameera. Kala po namin ng pamangkin ko matanda po sya so binalikan po namin para nga po matulungan.

Then nung makita po namin sya foreigner nga po. So un po ni-report po namin sya sa brgy.. para nga po matulungan sya.

Sana po kahit sa simpleng share lang po matulungan natin sya para po malaman ng Family nya and situation nya dito or kahit mga naging kaibigan po o mga nakakakilala po sa kanyan para po matulungan po sya.

Maraming salamat in andvance sa mga mag-share po. And thank you din po sa mga tumulong kanina sa amin para madala sya sa brgy hall sa mga patrol po salamat.