Alam naman natin na ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay isang malaking sakripisyo.

Ang pag-iwan natin panandalian sa ating mahal sa buhay para makapagtrabaho para sa kanilang pamilya ay napakahirap at ang isa pa ay ang mag adjust mula sa buhay na nakasanayan at makisama sa mga ibang lahi.

Ngunit ang lahat ng ito ay tinitiis ng ating nga kababayang OFW para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, ibibida natin ngayon ang isang kwento na ibinahagi ng isang OFW.

Sa kanyang kwento ay maraming netizens ang namangha at bumibilib sa determinasyon ng naturang OFW.

Ang sinasabing OFW sa ating kwento ay nakilalang si Michelle Valenzuela, nilahad mismo ni Michelle sa social media ang kanyang karanasan sa buhay pag-ibig.

Bukod kasi sa kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa ay may masakit at mapait na nakaraan din si Michelle na nagtulak sa kanya upang lisanin ang Pilipinas at magtrabaho sa ibang bansa.

May mga ilang larawan na ibinahagi si Michelle sa social media, kitang-kita dito ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura ngayon na halos hindi mo na maikikumpaea ang ginang sa lumang litrato nito.

Kwento ni Michelle, dahil sa kanyang sobrang busy sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanyang 5 na anak habang siya ay nagdadalang tao ay nakalimutan na niya ang kanyang sarili maging ang pag-aayos ng kanyang hitsura noon ay hindi na niya magawa.

Dagdag pa ni Michelle, Bukod pa raw sa ganoong sitwasyon ay nakakaranas pa raw siya ng papanakit at pambubugbog sa kamay ng kanyang mister at ang malala pa rito ay nagdadala daw mismo ng babae ang kanyang mister sa loob mismo ng kanilang pamamahay.

Hindi nagtagal ay pinalayas daw si Michelle at ang kanyang 6 na anak ng kanyang mister, kaya naman nakapag desisyon siya na manirahan muna sa kanyang Ina.

Paglipas ng ilang buwan, kahit labag sa kalooban ni Michelle na iwan ang kanyang mga supling ay nakapagdesisyon siya na mangibang bansa bilang OFW upang maitaguyod ang kanyang anim na anak.

Subalit hindi naging madali ang lahat kay Michelle, dahil maging sa ibang bansa ay nakatikim siya ng pangmamaltrato mula sa kanyang amo.

Ngunit ang lahat ng ito ay kinaya niya at siya ay nagpursige sa pagtatrabaho. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga kalaunan ay naging maayos na ang trato sa kanya ng kanyang mga amo.

Simula noon ay unti-unti ng bumalik ang kumpiyansa at lakas ng loob ni Michelle. Maging ang buhay ng kanyang mga anak ay naging maayos at masagana.

Nabalitaan din ni Michelle na ang kanyang dating mister at ang kinakasama nito ay naghiwalay na din, ngunit hindi na ito nakakaapekto pa sa pagbabagong buhay ni Michelle.

Narito naman ang ilang reaksyon at komwnto ng nga netizen patungkol kay Michelle.

“Ganda na ni ate Ngayon, maglaway kang hinayolak kang lalaki ka, magsisisi ka ngayon. Hahaha” wika ni Nikks Panoy

“Galing mo ate mahalin mo mga anak mo wag mo sila pabayaan, ikaw lang pag-asa nila. Godbless to your family” -tugon naman ni Rosario Nolos.

“Talagang may mga lalaki na walang konsensya, basta masunod ang maka mundong gusto, bahala na kung sino ang masaktan at madamay” – komento no Aim Bautista.

Talagang kahanga-hanga naman ang pinakitang determinasyon at pagmamahal ni Michelle para sa kanyang mga anak. Nawa’y patuloy na maging maayos ang kanyang pamumuhay kasama ang 6 na anak.