Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang mga post na larawan ng netizen na si Cijan Cimagala.

Sa kanyang post nagulat at namangha ang mga netizen dahil makikita dito ang magagandang kuha niya ng larawan sa kaniyang mga pinsan na aakalain mo talagang parang tunay na photoshoot at para bang kuha sa loob ng isang studio at iisipin mong gumamit ng mamahaling camera at mga ilaw.

Ngunit napag-alaman na ang tanging gamit lamang ni Cijan ay isang brand ng cellphone na kilala dito sa ating bansa.

Ilan sa kanyang mga nakakamanghang kuha ng larawan ay nagpapakita ng isang napakagandang modelo at tila nagmistulang berde ang kulay ng buong paligid nito.

Pero sa maniwala kayo at sa hindi ay tanging berdeng kulambo lamang ginamit dito at kaunting effects sa kanyang cellphone camera.

At ang isa naman niyang kuhang larawan ay isang modelo na may hawak na kaldero katabi ang mga kahoy at tila lumilipad siya dahil sa mga hinahangin na kaniyang kasuotan.

Sa kanyang ikatlong larawan naman na kuha ay may isang inosenteng mata ng bata na tila nakasilip sa isang maliit na butas ang isang mata.

Napag-alaman na ang nasabing butas pala ay isang gamit sa bahay na pinantakloob sa bata para magmistulang nasa isang loob na lagayan ang bata.

Kinuhanan din niya ng larawan ang lugar sa kanilang bahay kug saan sila naglalaba at nagsasampay at talaga naman na mamangha ka sa kanyang kuha dahil hindi mo aakalain na sa simpleng labahan lang ito dahil sa ganda ng resulta.

Isa rin sa mga pumatok niyang larawan ay ang kuha niya kanyang pinsan na tila nakasilip sa likod ng maraming plato, makikitang napakainosente ng mukha ng bata na natural na natural dahil sa ganda ng kuha ng larawan.

At ang isa pa sa pinakamaganda niyang kuha ay ang isang modelo na tila pang magazine at pang cover dahil sa ganda ng kuha at hindi mo aakalain na ang mga nasa likod nito ay ang mga pira-pirasong kahoy.

Talaga naman na hinangaan ang angking talento na ito ni Cijan ng ating mga netizen. Maaring sa mga panahon ngayon ay napakadami natin na kinahaharap na problema.

Ngunit lagi niyo isipin na hindi ito magiging hadlang upang panghinaan ng loob at sumuko sa buhay. Bagkus sana ay maging inspirasyon ito upang mas lalo tayong magsumikap at magpatuloy sa buhay.